DoH, dapat maghanda sakaling bawiin ang ‘mandatory facemask policy’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total views

Iminungkahi ni Iloilo Rep. Janette Garin sa Department of Health (DoH) na maglagay na ng antivirals sa mga ospital bilang paghahanda sa moderate at severe cases ng COVID-19.

Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) na gawing optional ang pagsusuot ng face mask sa mga open at hindi mataong lugar.

Ayon kay Garin, hindi maitatanggi na mayroon nang pandemic fatigue ang mga Filipino kaya’t marami ang sang-ayon na maging boluntaryo na lamagn ang pagsusuot ng face mask, at ang tuluyang pagluwag sa panuntunan ay may kaakibat na paghahanda sakaling tumaas ang covid cases.

“With the lifting of the mask mandate, it is imperative that the Department of Health preposition antivirals so that the burden of health expenditure for moderate and severe cases will not be passed on to the people,” pahayag ni Garin.

Nakikiisa rin si nGarin sa mga pabor sa optional mask policy, subalit dapat munang ipatupad kapag umabot na sa 70 porsiyento ng target population ang may booster shots laban sa COVID-19.

Sa datos ng DoH, m ay 17 million o nasa 21.76 % pa lamang ang nakatanggap ng unang booster shots na lubhang mababa kung ikukumpara sa 72 million o 92.31% Filipino na fully vaccinated sa primary series vaccine o nakatanggap na ng unang dalawang bakuna.

“Put on masks, they actually protect other people especially when masks are worn by infected asymptomatic individuals,” pagtatapos pa ni Garin.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng Microbiology Department ng University of Hongkong na nailatha sa Clinical Infectious Diseases Medical Journal nagpapakitang bumababa ng hanggang 75% ang coronavirus’ transmission rate sa pamamagitan ng respiratory droplets o airborne particles kapag nakasuot ng face masks.

Tiniyak naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care na mananatiling katuwang ng pamahalaan ang simbahan laban sa Covid-19 sa pamamagitan ng pagpapagamit ng ilang mga parokya bilang lugar sa pagbabakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 32,863 total views

 32,863 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 28,732 total views

 28,732 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 64,934 total views

 64,934 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 74,221 total views

 74,221 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 100,579 total views

 100,579 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top