DoH sa LGU: ‘Iwasan muna ang mga pagdiriwang sa open ground”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,826 total reads

Iminumungkahi ng Department of Health sa mga lokal na pamahalaan na iwasan muna ang pagdaraos ng mga gawain sa ‘open ground’ dulot ng init ng panahon.

Ayon kay Health Assistant Secretay at Deputy Spokesperson Dr. Albert Domingo, ito ay upang makaiwas sa mga sakit na dulot at maaring magpalala sa karamdamang taglay ng mga tao.

Kinumpirma rin ng DoH na naitala ng tanggapan simula Enero hanggang Abril ang 77 kaso ng heat-related illnesses, kung saan pito sa mga ito ang nasawi.

Paliwanag ni Domingo, anim sa pitong nasawi ay may ibang karamdaman na pinalala pa ng labis na init na panahon.

Sa 77 kaso ng heat related-illnesses ayon pa sa DoH, 39 sa mga pasyente ang nakibahagi sa street dance sa Central Visayas.

“Mayroon po tayong clustering may isang grupo sa 77 cases, 39 na mga nag-street dancing, magkakasama sila sa isang pista sa Central Visayas. Kaya pinaalalahanan namin sa lahat po ng mga local government na nagpapapista sa panahong ito, piliin po natin ang oras,” ayon kay Domingo.

Ayon pa sa opisyal ng DoH, na iwasan ang mga oras ng ika-10 ng umaga hanggang sa ikaapat ng hapon na siyang nararanasan ang pinakamainit.

“Baka pwede namang night party or evening ceremony para hindi mainit,” ayon kay Domingo.

Ang buwan ng Mayo sa Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming gawain at pista na ipinagdiriwang, kabilang na ang pagdaraos ng ‘Flores de Mayo’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 95,529 total reads

 95,529 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 131,441 total reads

 131,441 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 165,573 total reads

 165,573 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 221,979 total reads

 221,979 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top