Dulot ng karanasan sa Covid-19: Kalusugan, mga may karamdaman; mas binibigyang pagpapahalaga ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,434 total views

Nagagalak ang health ministry ng simbahan sa aktibong pakikibahagi ng mga diyosesis at parokya sa Pilipinas sa pagdiriwang ng World Day of the Sick nitong Pebrero.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care executive secretary, Camillian Father Dan Cancino, patunay ito ng higit na pagpapahalaga at pangangalaga ng bawat isa sa mga may karamdaman, gayundin sa mga kumakalinga at tagapaghatid ng lunas sa mga may sakit.

Ipinagdiriwang ang pandaigdigang araw ng mga may sakit tuwing ika-11 ng Pebrero, kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, upang alalahanin at ipanalangin ang mga may karamdaman, gayundin ang pagbibigay-halaga sa mga nangangalaga sa kanila.

Makikita mo na parang may ripple effect ‘yung world day of the sick kasi hanggang ngayon, may mga parokya na may celebration sila para sa mga may sakit. Kumbaga, tumataas ‘yung kamalayan natin na ilagay ang mga maysakit at ang mga nangangalaga sa mga may sakit sa sentro ng ating mga panalangin,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Cancino na higit na tumaas ang pagpapahalaga ng mga tao sa kalusugan dahil na rin sa pag-iral ng coronavirus pandemic sa bansa.

Ang iniwang pinsala ng COVID-19 sa buhay ang nagbunsod tungo sa higit na pagpapadama ng pagmamalasakit at pagkalinga sa mga may karamdaman, gayundin sa medical frontliners na nag-alay ng buhay upang malunasan ang nakakahawa at nakamamatay na sakit.

Nakita natin ang kahalagahan ng kalusugan, kahalagahan ng frontliners, kahalagahan ng bawat tao, nagkaroon tayo ng kamalayan na sana ay magpatuloy ito. Ang komisyon ng healthcare ng cbcp ay pinaiigting ang selebrasyon na ito, araw ng mga may karamdaman, at pinag-iigting din ang kahalagahan ng ating mga healthcare frontliners,” saad ni Fr. Cancino.

Tema ng World Day of the Sick ngayong taon ang “Healing the Sick by Healing Relationships,” na panawagan ng Santo Papa Francisco sa bawat mananampalataya na sa kabila ng pinagdaraanang karamdaman ay patuloy nawang paigtingin ang ugnayan sa Panginoon upang ganap na makamtan ang tunay na kagalingan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,325 total views

 51,325 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,194 total views

 47,194 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,396 total views

 83,396 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,994 total views

 91,994 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,980 total views

 116,980 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top