Ecology at Disaster Ministry ng Archdiocese of Manila, pinag-isa

SHARE THE TRUTH

 306 total views

Pinalakas ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Ecology Ministry ng Archdiocese of Manila.

Nilagdaan ni Cardinal Tagle ang kautusang bumuo ng Disaster Risk Reduction and Management Program sa ilalim ng Ecology Ministry ng nasabing Arkidiyosesis upang palakasin ang pagtugon sa mga nagaganap na kalamidad.

Itinalaga ni Cardinal Tagle si Caritas Manila Damayan Program Priest Minister Father Ric Valencia na bagong Minister ng DRRM at Ecology Ministry.

Layon nito na pag-iisahin at palakasin ang pagtulong at pagkilos na ginagawa ng iba’t-ibang institusyon ng Archdiocese of Manila sa Disaster Risk Reduction and Response.

Naniniwala si Fr. Valencia na ang hakbang na ito ng Archdiocese ay bahagi lamang ng seryosong pagkilos ng Simbahan para matugunan ang mga nanagap na kalamidad dahil na rin sa epekto ng nagbabagong klima at ecological imbalance.

“The Church is doing it for a long time already but this time because of our experience of Yolanda gusto nating bigyan ng pansin and elevate it into a ministry… The new normal now is the extreme weather conditions na abnormal before but normal already because of the effect of climate change, because of the ecological imbalance, dahil diyan ang Cardinal (Chito Tagle) naisip nya na icoordinate ang ginagawa ng archdiocese,” pahayag ni Fr. Valencia sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, mapapabilang din sa bagong ministry ang Damayan program ng Caritas Manila at Disaster Communication Program ng Radio Veritas.

Umaasa si Fr. Valencia sa matagumpay na pakikipagtulungan sa dalawang institusyon partikular na sa Radyo Veritas sa pamamagitan ng komunikasyon at pagtukoy ng pangangailangan ng ating mga kababayan.

“Isa kayo sa pinakaimportanteng aspeto ng atin pagtulong sa mga mahihirap kasi kayo ang magpaparating ng pangangailangan ng atin mga kababayan,” giit pa ni Fr. Valencia.

Batay sa ulat ng United Nations, lumalabas na ang Pilipinas ay panglima sa mga bansa na pinaka-nakakaranas ng kalamidad sa buong mundo.

Sinasabing mula 1995 hanggang 2015 ay aabot sa 274 na bagyo at iba pang natural disasters ang naranasan ng Pilipinas, isa na nga dito ang Super Typhoon Yolanda na nanalasa sa Visayas Region kung saan mahigit sa anim na libong tao ang nasawi at mahigit 15 milyong tao ang naapektuhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 18,976 total views

 18,976 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 61,190 total views

 61,190 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 76,741 total views

 76,741 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 89,983 total views

 89,983 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 104,395 total views

 104,395 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 28,485 total views

 28,485 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 41,777 total views

 41,777 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top