EDSA Shrine, simbolo ng pagkakaisa at malalim na pananampalataya ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,521 total views

Ang EDSA Shrine ang nagsisilbing paalala sa malalim na pananampalataya at matinding pananalangin na ipinamalas ng mga Pilipino para sa kapakanan ng bayan 37-taon na ang nakakalipas.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista – chairman ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs sa ika-anim na araw ng Misa Nobernaryo para sa kapistahan ng Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace at paggunita ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa Obispo, dahil sa pagkakaisa at matinding pananalangin at pananampalataya na ipinamalas ng mga Filipinong nakibahagi sa EDSA People Power Revolution ay biniyayaan ng Panginoon ang bansa ng kalayaan mula sa diktadurya.

Hinimok ni Bishop Evangelista ang patuloy na pananalangin ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang patuloy na biyayaan ng Panginoon ang bansang Pilipinas.

“Here in this place in this EDSA Shrine the Shrine of Our Lady Queen of Peace the Pilipino people express deep faith and prayer extensive prayer and so the grace for our country was given by God, faith and prayer. Let us continue expressing our faith and continue praying to God each day that we may gain more graces from Him through the intercession of the Blessed Virgin Mary.” Ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Evangelista.

Pagbabahagi ng Obispo, ang pananampalataya ay isa sa tatlong pambihirang biyaya o regalo na ipinagkakaloob ng Panginoon sa mga binyagan kasama na ang pag-ibig at pag-asa.

Paliwanag ni Bishop Evangelista, walang imposible sa Diyos kaya naman mahalaga ang pagkakaroon ng bawat isa ng pananampalataya upang patuloy na manalig sa biyaya at pagmamahal ng Panginoon para sa lahat.

“Faith is a gift of God and only God can increase it in our soul, we receive the gift of faith when we were baptized. Actually we received three gifts when we were baptize, three supernatural virtues faith, hope and love. Everything is possible to one who has faith, lahat posible sa taong nananampalataya, everything is possible to one who has faith, manampalataya tayo palagi sa Diyos, walang impossible sa Diyos that’s how important faith is.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.

Nakatakda ang kapistahan ng dambana sa ika-24 ng Pebrero, 2023 habang gugunitain naman ang ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 6,182 total views

 6,182 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 48,074 total views

 48,074 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 102,117 total views

 102,117 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 129,988 total views

 129,988 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 147,447 total views

 147,447 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 7,678 total views

 7,678 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top