Emergency Operation Center, binuksan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,527 total views

Patuloy ang pagbabantay at pakikipag-ugnayan ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga lubhang apektado ng low pressure area sa Mindanao.

Inilunsad ng Humanitarian Office ng Caritas Philippines ang kanilang Emergency Operational Center upang agarang matukoy ang sitwasyon sa mga apektadong diyosesis at matugunan ang pangangailangan ng mga nasalantang pamilya.

Batay sa unang situational report ng Caritas Philippines, umabot na sa halos 218-libong pamilya o 975-libong indibidwal ang naapektuhan ng patuloy na pag-uulan na nagdulot na ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Mindanao, partikular na sa Davao at Caraga Region.

“Monitoring and coordination with the affected dioceses are on-going while preparing the initial fund for emergency operation to assist the logistical needs of the dioceses and emergency relief to the families affected,” ayon sa ulat ng Caritas Philippines.

Nabanggit din sa ulat ang mga nagsilikas kung saan nasa 103 pamilya o 407 katao ang kasalukuyang nasa loob ng evacuation center, habang 48 pamilya o 139 katao naman ang nasa labas.

Samantala, namahagi ng tulong ang Archdiocese of Davao sa karatig na Diyosesis ng Mati, Davao Oriental habang umaapela naman ng tulong ang mga Diyosesis ng Tagum, Davao del Norte at Butuan, Agusan del Norte.

“Dioceses coordinated with local government agencies and attended briefing of the response cluster by the Provincial Government. It mobilized and activated volunteers from the parishes and mission centers to give updates and monitor the situation providing a clearer view of the situation,” ayon sa ulat.

Pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya ang food packs, hygiene/sanitation kits, sleeping kits, at mga gamit sa pagluluto.

Sa mga nais magpadala ng in-kind donations, maaari itong ipadala sa tanggapan ng Caritas Philippines sa CBCP Compound sa Intramuros, Manila.

Habang sa cash donations naman, maaari itong ipadala sa pamamagitan ng BPI Account na CBCP Caritas Philippines Foundation Inc. sa account number na 4951-0071-08.

Sa mga karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Humanitarian Office ng Caritas Philippines sa mga numerong 0977-823-8105 o 0999-882-8281 at hanapin sina Jeanie Curiano o Cecilio “Ava” Guardian.

Paalala naman sa publiko na mag-ingat laban sa iba’t ibang uri ng scam o panloloko na layong manlinlang at makapanghamak ng kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 194,434 total views

 194,434 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 224,657 total views

 224,657 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 251,302 total views

 251,302 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 346,275 total views

 346,275 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 354,704 total views

 354,704 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top