Experience the miracle, bisitahin ang Radio Veritas Grand Marian exhibit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,919 total reads

Damhin ang himala at maka-inang presensya ng Mahal na Birheng Maria sa exhibit na inilunsad ng kapanalig na himpilan.Ito ang mensahe ng paanyaya ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual sa pagbubukas ng Grand Marian Exhibit tampok ang higit 100 imahe ng Birheng Maria sa activity center ng Fisher Mall sa Quezon City.
Ayon kay Fr. Pascual, ang lahat nawa ng dadalaw sa exhibit ay madama ang pagpapala ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng kanyang inang si Maria.
“Inaanyayahan po natin ang lahat ng mga kapanalig natin dito sa ating napakagandang Marian Exhibit 2023 ng Radio Veritas… Napakaganda po ng ating exhibit. More than a hundred images of Mama Mary, very miraculous and very powerful images of Mama Mary… May you be blessed while you experience the miracle, the power, and the blessing of Jesus Christ through her mother, Mama Mary,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.
Pinangunahan ni Fr. Pascual ang ribbon cutting at pagbabasbas sa exhibit kasama ang pamunuan ng Fisher Mall.
Nagpapasalamat naman si Fisher Mall Manager Miladel Ortega sa patuloy na pagtitiwala ng kapanalig na himpilan upang maging katuwang sa mga pagtatanghal bilang pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano, at pakikiisa sa pagdiriwang ng pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.
“We are all gathered here to celebrate the birth of Blessed Virgin Mary through the Marian Exhibit… It has always been a pleasure for Fisher Mall to be partners with Veritas 846. Thank you for joining us in this momentous event,” pahayag ni Ortega.
Bukas ang exhibit simula alas-10 ng umaga hanggang alas-nuebe ng gabi, at magtatagal hanggang September 8, kasabay ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.
Tinagurian ang Pilipinas bilang Pueblo Amante de Maria dahil sa masidhing pamimintuho ng mga Filipino sa Mahal na Birhen bilang masintahing ina ng Panginoong Hesus at ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 28,247 total reads

 28,247 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 62,047 total reads

 62,047 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 98,529 total reads

 98,529 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 116,742 total reads

 116,742 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 199,552 total reads

 199,552 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 82,408 total reads

 82,408 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top