Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa YSLEP telethon 2023 sa Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,715 total reads

Inaanyayahan ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas ang mamamayan na makiisa sa Youth Servant Leadership and Education Program telethon sa ika-31 ng Agosto 2023 simula alas-siete ng umaga hanggang ala-sais ng gabi.

Inihayag ni Fr.Pascual na layon ng telethon na masuportahan ang pangangailangan ng mahigit sa limang libong YSLEP scholar na pinapaaral sa kolehiyo at technical vocational courses sa ibat-ibang bahagi ng bansa ngayong taon ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.

“Ito po ay isang napakagandang programa ng Caritas Manila upang atin malabanan ang kahirapan permanently sapagkat naniniwala po tayong education is the best social equalizer, suportahan po natin ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa Caritas Manila YSLEP Program,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.

Inaasahan din ni Father na sa tulong ng malilikom na donasyon ay magkakaroon ng sapat pondo ang Caritas Manila na makakatulong din sa mga Servant Leadership Training Program na hinuhubog ang mga kabataang mag-aaral ayon sa plano ng Panginoon.

Una naring inanyayahan ng Caritas Manila Scholars Association (CAMASA) ang mga mananampalataya na makibahagi sa YSLEP Telethon.

Ayon kay Susan Gomez – Pangulo ng CAMASA, sa pamamagitan rin ng anumang makakayanang halaga ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maisakatuparan ang kanilang pangarap at maging mabuti at huwarang mamamayan.

“Sana po ma-touch po namin ang lahat ng puso ninyo na magkaroon kayo ng pagtulong sa aming mga scholars, alam niyo po ang edukasyon yan ang nakakahango ng kahirapan ng mga kahirapan,” ayon sa pamayan ng Radio Veritas kay Gomez.

Ang CAMASA ay ang samahan ng mga YSLEP Graduates na tumutulong din sa mga nakakatapos ng pag-aaral sa ilalim ng YSLEP Scholars na magkaroon ng trabaho sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor.

Tema ng YSLEP TELETHON 2023: BUILDING A HUMANE FUTURE THROUGH SERVANT LEADERSHIP na layuning makalikom ng limang milyong pisong donasyon na ilalaan sa pag-aaral ng mga YSLEP scholars.

UNDAS 2026, generally peaceful

 16,480 total reads

 16,480 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 29,861 total reads

 29,861 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 79,613 total reads

 79,613 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 238,806 total reads

 238,806 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 265,967 total reads

 265,967 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 298,844 total reads

 298,844 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top