Faith tourism, isinusulong ng Cebu Quincentennial hotel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,527 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng Cebu Quincentennial Hotel ang patuloy na pagiging katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng kristiyanismo.

Ito ang mensahe ni DUROS Group at Layko Cebu President Fe Barino sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng hotel nitong June 20 kung saan tampok sa pagdiriwang ang charity dinner para sa Pope John XIII Seminary na pangunahing naghuhubog sa mga kabataang nais maging pari.

Aniya bagamat nasa hotel industry adhikain pa rin ng institusyon na ipakita ang mayabong na pananampalataya lalo’ at ang Cebu ang tinaguriang sentro ng kristiyanismo sa bansa.

“Even if we are in hotel industry, we continue to promote Christianity, to promote the Catholic faith, all our activities are always course towards promoting the faith.” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.

Itinatag ang first-ever faith-themed hotel bilang alay at bunga ng 500 YOC kung saan si Msgr. Agustin Ancajas ang pangunahing nagdisenyo hango sa mga pangyayari mula nang ihasik ng mga misyonerong Espanyol ang kristiyanismo noong 1521 hanggang sa kasalukuyan.

Kabilang sa matatagpuan sa gusali ang iba’t ibang memorabilia ng pagdiriwang ng 500YOC tulad ng Jubilee Cross, bibliyang direktang isinalin sa Cebuano mula Aramaic, gayundin ang imahe ng Sto. Nino.

Ilang silid din ang nakadisenyo sa tema ng El Baptisterio, Ecce Homo, Eukaristiya at Mahal Birhen Dela Cotta.

Sinabi ni Barino na ito rin ay pakikiisa sa adhikain ng arkidiyosesis na isulong ang faith tourism sa lalawigan kung saan matatagpuan ang iba’t ibang pilgrim sites tulad ng Basilica Minore del Santo Nino, Magellan’s Cross, Simala Shrine, Venerable Teofilo Camomot Shrine, Capelinha de Fatima Replica Chapel at iba pa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 65,068 total reads

 65,068 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 143,880 total reads

 143,880 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 177,325 total reads

 177,325 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 212,624 total reads

 212,624 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 436,491 total reads

 436,491 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top