Pagiging Global Geopark ng Bohol, malaking hamon sa Boholanos

SHARE THE TRUTH

 3,058 total views

Hinimok ni Senatro Pia Cayetano ang mamamayan ng Bohol na magtulungang panatilihin ang maayos na kapaligiran.

Ito ang mensahe ng mambabatas sa pagbisita sa lalawigan kaugnay sa pagkilala ng UNESCO na Global Geopark ang Bohol.

Batid ni Cayetano na isang katangi-tanging pagkakataon na ideklara ang kauna-unahang geopark province sa Pilipinas dahil kadalasang partikular na lugar lamang ang kinikilala ng UNESCO.

“It’s very rare that [UNESCO] gives this award to a very big area. Often, it’s just one specific area; the challenge for Boholanos is to really preserve it.” bahagi ng pahayag ni Cayetano.

Ayon sa pag-aaral ng UNESCO mayaman sa likas na yaman ang lalawigan at pagkakaron ng karstic geosites tulad ng kuweba, sinkholes at cone karst kabilang na ang kilalang Chocolate Hills sa lalawigan.

Tiniyak ni Cayetano ang suporta sa pagsusulong ng sustainable tourism sa Bohol kasabay ang panawagang himukin ang mga turista sa kahalagahan ng pagpreserba ng mga likas na yaman ng lalawigan.

“We also need to educate visitors to contribute to the preservation and appreciation of the province, and not add to its damage. I also want to encourage, both the locals and the resort owners, to be involved in the promotion of sustainable tourism.” dagdag pa ng mambabatas.

Sa datos ng UNESCO may 195 geopark sa 48 mga bansa kung saan natatangi ang tinataglay ng Bohol na bukod sa Chocolate Hills ay matatagpuan din ang Danajon Double Barrier Reef na kaisa-isa sa Southeast Asia at isa sa anim na dokumentadong double barrier reef sa buong mundo na may 6, 000 years coral growth.

Una nang umapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa kapwa Boholano na magtulungang itaguyod ang pagpapahalaga sa likas na yaman at mahahalagang pook alinsunod sa panawagan ng Santo Papa Francisco sa ensiklikal na Laudato Si kung saan tungkulin ng bawat isa ang pangangalaga sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,823 total views

 82,823 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 93,827 total views

 93,827 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 101,632 total views

 101,632 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,776 total views

 114,776 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 126,085 total views

 126,085 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 12,943 total views

 12,943 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top