Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawing bahay ng pag-asa ang lipunan, paalala sa simbahan ng World Day of the Sick

SHARE THE TRUTH

 7,817 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang lahat na patuloy na yakapin ang mahabaging pag-ibig ng Diyos.

Ito ang mensahe ni Camillian priest, Fr. Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Healthcare, para sa ika-33 World Day of the Sick na kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

Ayon kay Fr. Cancino, ang paggunita sa mga may karamdaman ay paanyaya para sa Simbahan na muling pagtibayin ang pangakong gawing “bahay ng pag-asa” ang lipunan, katuwang ang lahat ng mananampalataya at mga taong may mabuting kalooban.

“To all people who are sick, the condition of suffering in which you live and the wish to recover health make you particularly sensitive to the value of hope- “hope that never disappoints” (Romans 5:5),” mensahe ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang-diin din ng pari na ang pakikinig sa Salita ng Diyos, pananalangin, at pagtanggap ng mga sakramento ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang puso at kaluluwa, na siyang nagiging daan tungo sa tunay na pagkakaisa at kusang-loob na pagbabahagi ng sarili para sa kapwa.

Dagdag pa ni Fr. Cancino, kasabay ng pagdiriwang ng Taon ng Hubileyo bilang “Mga Manlalakbay ng Pag-asa,” hinihikayat ang Simbahan na palawakin ang mga pagsisikap upang maisakatuparan ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kalusugan, pagtatanggol sa buhay at dignidad ng tao, at pagbibigay-pansin sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“We are called to enhance her efforts to translate the communion into concrete projects presenting the subjects of health and illness in the light of the Gospel; encourage the advancement and defense of life and the dignity of the human person; and make the preferential option for the poor and the marginalized,” ayon kay Fr. Cancino.

Tema ng 33rd World Day of the Sick ang “Hope does not disappoint” (Romans 5:5), but strengthens us in times of trial, na nagpapaalala sa lahat na ang pag-asa sa Diyos ay nagbibigay-lakas sa gitna ng pagsubok.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 9,962 total views

 9,962 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 29,647 total views

 29,647 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 67,590 total views

 67,590 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 85,814 total views

 85,814 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 29,584 total views

 29,584 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
1234567