Gawing ehemplo si San Roque, panawagan ng Arsobispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,128 total reads

Pinaalalahanan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga mananampalataya na ang tunay na
pagdedebosyon kay San Roque ay hindi natatapos sa panalangin kundi isinasabuhay sa konkretong paglingap sa kapwa,
lalo na sa mga sugatan sa katawan, puso, at kaluluwa.

Ito ang binigyang-diin ng arsobispo sa kanyang homiliya sa bisperas ng kapistahan ni San Roque, kasabay ng pagdiriwang
ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary sa San Roque de Manila Parish. Tema ng kapistahan ngayong
taon ang “Pilgrims of Hope” bilang bahagi ng selebrasyon ng buong Simbahang Katolika.

“Ang pagdedebosyon kay San Roque ay paghahanap din sa mga kapwa natin sugatan upang pagalingin, gutom upang
pakainin, uhaw upang bigyan ng maiinom, at nalilito upang bigyan ng pag-asa,” ani Archbishop Villegas.

Pinaalala rin ng arsobispo na ang pag-aakyat ng Mahal na Birheng Maria sa Langit ay paalala na hindi lamang kaluluwa ang
dapat maging banal, kundi pati ang katawan, sapagkat ito ay kaloob ng Diyos na dapat ingatan at igalang.

“Ang katawan natin ay maaaring maging panganib papuntang impyerno; ito rin ay pananagutan. Kung ano ang ginawa
natin sa nauuhaw, nagugutom, nalilito, nasugatan, at maysakit ay siyang daan papuntang langit,” dagdag pa niya.

Binanggit pa ng arsobispo na ang pagiging sugatan o may sariling pinagdaraanan ay hindi dapat maging hadlang sa
malasakit sa kapwa: “Hindi dahilan ang sugat ng buhay upang hindi tayo tumulong at magmahal.”

Kasalukuyang nahaharap ang lipunan sa mga “salot” kabilang ang digmaan, labis na katiwalian at korapsyon na
nagpapalala ng kahirapan, at ang paglaganap ng online gambling na itinituring ng simbahan na salot at lalong mapanganib
dahil bumibiktima maging sa mga kabataan na lantad sa teknolohiya.

Sa kaniyang homiliya, inalala rin ng arsobispo ang buhay ni San Roque na ipinanganak noong 1295 sa Pransya.

Inialay ng santo ang kanyang buhay sa pagtulong at pagpapagaling sa mga biktima ng salot. Nang siya mismo ay
magkasakit, nagtungo sa gubat kung saan isang aso ang nagdala sa kanya ng pagkain hanggang siya ay gumaling. Pumanaw
ang santo noong 1327 at kinilalang patron ng mga may sakit, mahihirap, at dinadapuan ng salot. Ipinagdiriwang ang
kanyang kapistahan tuwing Agosto 16.

Samantala, ang dogma ng Assumption of Mary ay opisyal na ipinahayag ni Pope Pius XII noong November 1, 1950 sa
pamamagitan ng apostolic constitution Munificentissimus Deus. Itinuturo nito na matapos ang kanyang buhay sa mundo,
si Maria ay iniakyat buo—katawan at kaluluwa—sa langit, alinsunod sa matagal nang tradisyon ng Simbahan.
Ipinagdiriwang ito taun-taon tuwing Agosto 15.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 102,401 total reads

 102,401 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 147,073 total reads

 147,073 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 169,277 total reads

 169,277 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 205,767 total reads

 205,767 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 420,360 total reads

 420,360 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top