62,187 total views
Kapanalig… nakakaalarma na ang “online gender-based violence” sa Pilipinas…
7 sa 10 kababaihang Filipina kabilang ang mga menor-de-edad ay dumanas ng “sexual harassment online” partikular sa social media…Isinisi ito sa mabilis na evolution ng teknolohiya.
Iniulat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na pangalawa ang Pilipinas sa worldwide online sexual abused and exploitation of children (OSAEC)..Ang mga kabataang babae na mula sa mga mahihirap na komunidad ang karaniwang biktima sa online at maging pisikal…
Nangyayari ang krimen sa kabila ng Republic Act (RA No. 11313 or the Safe Spaces Act; RA No. 10175 or the Cybercrime Prevention Act; at RA No. 9262 or the Anti-Violence Against Women and Their Children Act… Ano ang ginawa ng maraming law enforcement agencies sa Pilipinas?
Sa pag-aaral ng Foundation for Media Alternatives (FMA), nangyayari ang mga kaso ng OGBV sa pamamagitan ng “cyberstalking,Doxxing,sextortion at distribution ng malalaswang litrato at videos.
Ayon sa FMA… 41.7-percent ng krimen ay sa pamamagitan ng Non-consensual production ng malalaswang litrato at video; 22.2-percent ay threat of violence at blackmail habang 14.8 percent naman ay dahil sa cyber ponography o prostitusyon… 5.6-porsiyento ay dahil sa cyber harassment; 5.6-percent ay biktima ng trafficking, 4.6-percent ay biktima ng physical o sexual abuse ; 2.8-percent ay dumanas ng spying o surveillance; 1.8-percent ay biktima ng accounts manipulation o kontrol at 0.9-percent ay na-online scams.
Nabatid na 53.1-percent sa victims-survivors cases ay mga babaeng may edad na 18-taong gulang pababa; 10.9-percent ay 18 hanggang 30-taong gulang; 31 hanggang 45-taong gulang ay 4.7-percent; 4.7-percent ay mula 46 to 60-years old… Sa pag-aaral, 82.1-percent ng perpatrators ay mga lalaki habang 17.9 percent ay mga babae.
Ang resulta ng pag-aaral ay hindi kumpletong katotohanan sa nagaganap na online crime sa bansa..Marami pa sa mga kaso ang hindi naiuulat at hindi naitatala.
Kapanalig, hindi ito mapipigilan kung marami sa mga biktima ng gender-based online sexual harassment ay nahihiyang lumantad at magreklamo sa dinanas na online crime..
Ang mga nasa likod ng G-B-O-S-H ay pinaparusahan sa ilalim ng Republic Act 10175 o Cybercrime Act.
Noong nakaraang March 2024, ipinagmalaki ng Department of Justice ang ginawang guidelines sa pagkuha ng mga katibayan at case-buildup sa gender-based online sexual harassment.
Maraming batas upang labanan ang online crimes, ang problema lamang ay sa mga nagpapatupad ng batas…
Kapanalig, ang problema sa kasalukuyan… umiiral sa bansa ang “culture of victim-blaming at overall misogyny”.
Kapanalig, sinasabi sa “Matthew 18:15 — Jesus said, “Whoever welcomes one such child . . . welcomes me”.
Sumainyo ang Katotohanan.