Healing mass at healing sessions, tampok sa Radyo Veritas chapel sa buwan ng Pebrero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,620 total reads

Itatampok ng Radyo Veritas ang buong buwan ng Pebrero na “Healing Month.”

Ito’y paanyaya sa mga mananampalataya na makiisa sa mga pagdiriwang ng banal na misa sa Radyo Veritas Chapel.

Ayon kay Renee Jose ng Religious Department ng himpilan, layunin ng inisyatiba na higit pang paigtingin ang misyon ng Radyo Veritas na abutin ang mga may karamdaman at tulungang makasumpong ng kagalingan sa pamamagitan ng mga sakramento ng Simbahan.

Ibinahagi ni Jose na kabilang sa mga tampok na gawain ngayong buwan ang healing masses at ang public veneration ng mga relikya ng mga banal na kinikilalang katuwang sa pananalangin para sa kagalingan ng mga maysakit.

Sa February 2, sa Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo, pangungunahan ng Kamay ni Hesus healing priest na si Fr. Joey Faller ang banal na misa at healing sessions alas-dose ng tanghali.

Sa February 3 naman, sa kapistahan ni San Blas, magkakaroon ng pagbabasbas at healing sessions, lalo na para sa mga may karamdaman sa lalamunan.

Sa February 4, bilang pagdiriwang ng National Cancer Awareness Day, dadalaw sa himpilan ang relikya ni San Ezequiel Moreno, patron ng mga may cancer.

Samantala, sa February 11, World Day of the Sick at kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, ang mga hospital chaplains naman ang mangunguna sa mga banal na misa ng himpilan.

Inaanyayahan ni Jose ang mga tagasubaybay ng Radyo Veritas na personal na makiisa sa mga banal na misa na ginaganap araw-araw alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.

Para sa mga nais maging Eucharistic Advocate ng himpilan, makipag-ugnayan sa (02) 8925-7931 local 129, 131, at 137, o sa 0917-631-4589.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 4,988 total reads

 4,988 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 7,232 total reads

 7,232 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 7,082 total reads

 7,082 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 19,984 total reads

 19,984 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 69,263 total reads

 69,263 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 91,353 total reads

 91,353 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 191,174 total reads

 191,174 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 223,347 total reads

 223,347 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top