Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi pagpapahalaga sa mga magsasaka, dahilan ng food shortage sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 826 total views

Nanindigan ang Philippine Network of Food Security Programmes, Incorporated (PNFSP) na ang mababang budget ng Department of Agriculture (DA) at kawalang pagpapahalaga sa mga magsasaka ang ugat sa kakulangan ng suplay ng bigas sa Pilipinas.

Ayon kay P-N-F-S-P Executive Director Sharlene Lopez, kung mabibigyan lamang ng lupang sakahan ang mga magsasaka at madaragdagan ang pondo ng D-A ay malaki ang posibilidad na maging “rice self-sufficient ang bansa sa loob ng tatlong taon.

“Yung pagbaba ng budget na nakalaan para sa agrikultura, yun ang may mas malaking impact sa mga magsasaka. Ang panawagan nga namin ay lakihan ang budget ng gobyerno na nakalaan para sa mga magsasaka para mabigyan ng sapat na services, farm to market roads, pre and post harvest facilities yung mga magsasaka. Kasi kahit ma-ban yung unli rice ay hindi naman yon magkakaroon ng significant impact para makamit yung rice self-sufficiency,”pahayag ni Lopez.

Mababatid na bumaba ng tatlong bilyong piso ang budget ng DA mula sa 48.9-bilyon noong 2016 sa 45.3-bilyong piso budget ngayong taon.

Binigyang-diin din ni Lopez na kung kakalas ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng World Trade Organization at mas tutukan ang tanim ng mga Filipinong magsasaka ay hindi kakailangain pang mag-angkat sa ibang mga bansa.

Sa isinagawang pagdinig sa senado tungkol sa rice importation, ipinanukala ni Senator Cynthia Villar ang pagtatanggal ng unlimited rice promos sa mga fast food chains dahil nakapagdudulot ng sakit ang pagkain ng ‘well-milled rice’ at pagsuporta sa layunin ng D-A na matamo ng bansa ang kasapatan sa suplay ng bigas sa taong 2020.

Isa din sa mga dahilan ng kakulangan sa supply ng bigas ang laganap na corruption sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno at mga ahensiya na dapat nagsusulong sa magandang kalagayan ng mga magsasaka at repormang agraryo.

Read: http://www.veritas846.ph/pakikisabwatan-ng-dar-bataan-sa-isang-development-corporation-inalmahan/

Sa kanyang mensahe sa National Federation of Farmers ng Italya, kinilala ni Pope Francis ang kahalagahan ng mga magsasaka dahil hindi mabubuhay ang tao kung wala ang kanilang paghihirap at presensya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 13,791 total views

 13,791 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 21,891 total views

 21,891 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 39,858 total views

 39,858 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,120 total views

 69,120 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,697 total views

 89,697 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 91,665 total views

 91,665 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 87,610 total views

 87,610 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 34,176 total views

 34,176 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 34,187 total views

 34,187 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 34,191 total views

 34,191 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top