Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 8,874 total views

20th Sunday of Ordinary Time Cycle B
Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58

“Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.” Ito ang narinig natin sa sulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa. At ano ba ang kalooban ng Diyos? Ito ang kanyang kalooban: Maniwala tayo sa kanyang pinadala. Maniwala tayo kay Jesukristo. Siya ay pinadala ng Diyos mula sa langit upang dalhin tayo sa langit. At upang dalhin tayo doon, ibinibigay niya ang kanyang sarili bilang pagkain sa ating paglalakbay tungo sa buhay na walang hanggan.

Narinig natin ang sinabi ni Jesus: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. Ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.”

Sa ating panahon ngayon nagiging conscious na tayo tungkol sa kinakain natin. Oo, kailangan natin na makakain. Nakakalungkot na maraming tao ay hindi nakakakain. Nagugutom ang marami dahil sa giyera, isipin na lang natin ang mga nasa Gaza o nasa Sudan. Nagugutom din ang marami dahil sa baha. Isipin natin ang sinalanta ng baha sa Kamaynilaan o sa Tsina. Marami ay nagugutom dahil sa tag-init. Namamatay ang mga tanim at mga hayop nila. Isipin natin ang mga namamatay sa gutom sa Ethiopia o sa Somalia. Magpasalamat tayo sa Diyos na may pagkain dito sa Pilipinas, kahit na may mahihirap din na hindi sapat ang pagkain. Mahalaga na may pagkain.

Pero mahalaga rin na may wastong pagkain. At ito ang pinoproblema natin. We become what we eat. Nagiging ano tayo depende sa ating kinakain. Kung presko at malusog ang ating pagkain, nagiging malusog tayo. Kung masama naman ang kinakain natin, napapasama din tayo. Marami ay pinapatay ng pagkain – pagkain ng matataba at mamantikang pagkain, pagkain ng matatamis ng pagkain, pagkain ng maalat na pagkain. Ang tao ay hindi lang namamatay sa kawalan ng pagkain. Pinapatay din ang tao ng hindi wasto o sobrang pagkain. Ang mga instrumento daw na nakapapatay ng mas maraming tao sa buong mundo ay ang kutsara at tinidor! Kaya kumain tayo, ngunit kumain tayo ng wastong pagkain.

Magiging malusog tayo at hahaba ang buhay natin kung tamang pagkain ang kinakain natin. Pero kahit na anong ingat natin sa pagkain, mamamatay pa rin tayo. May isang pagkain lang na nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan – ang katawan ni Kristo! Maliwanag ang sinabi ni Jesus: “Ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito ay mabubuhay magpakailanman.” Naniniwala ba tayo sa kanyang salita?

Kapag ang Diyos ay nagbibigay, masagana siyang magbigay. Sa ating unang pagbasa narinig natin ang alok ng Diyos. Naghanda siya ng masagana. “Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin, ang mesa ay inihanda, punong-puno ng pagkain.” At nag-aalok siya: “Halikayo’t inyong kainin ang pagkain ko, at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo.” At ano iyong kanyang inihanda? Sabi ni Jesus: “Ang aking laman ay tunay na pagkain, ang aking dugo ay tunay na inumin.” Ang inihahanda ng Diyos na pagkain ay libre. Ito ay walang bayad, at ito ay palaging nandiyan. Ito ay walang iba kundi ang kanyang sarili. Magiging tulad tayo ni Jesus kung tinatanggap natin siya ng palagi. Ang buhay niya ay mapapasaatin. We become what we eat. If we eat Jesus we become Jesus.

Bakit pa tayo nag-aalangan? Hindi ba tayo naniniwala kay Jesus? Ayaw ba natin ng buhay na walang hanggan? Ang buhay na walang hanggan ay hindi nagsisimula kapag namatay na tayo. Ito ay nagsisimula na ngayon kapag tinatanggap natin si Jesus. Napapasaatin na ang buhay ni Jesus. Nagiging mapayapa tayo. Marunong na tayong magpatawad. Panatag na tayo sa ating buhay. Hindi na tayo nag-iisa, kasama na natin ang Diyos. Ang buhay na ito ay hindi mawawala at hindi tatanggalin sa atin ng kamatayan.

Ang pagkain ay may bisa lamang kung ito ay palaging tinatanggap. Hindi sapat na kumain ng paminsan-minsan. Magiging malusog lamang tayo kung palagi tayong kumakain ng maayos na pagkain. Gayon din, mapapasaatin ang buhay ni Jesus at lalago tayo sa buhay ni Jesus kung palagi natin siyang tinatanggap sa Banal na Komunyon. Kaya gusto natin na ang mga bata, sa murang edad pa lamang ay magkomunyon na. Inihahanda natin sila sa Banal na komunyon. Dinadala natin sila sa simbahan para makakomunyon Linggo-linggo. Kaya tayong lahat ay hinihikayat na palaging magsimba at tumanggap ng Banal na Komunyon. Si Jesus ang tinatanggap natin dito at mabubuhay tayo dahil sa kanya.

May nagsasabi na nagkokomunyon naman daw siya pero wala namang nangyayari. Una, palagi ba siyang nagkokomunyon, o paminsan-minsan lang? Pangalawa, may paggalang ba siyang nagkokomunyon, o basta lang pumipila at sumusubo at naging ritual na lang ang pagkomunyon? Pangatlo, alam ba talaga niya kung sino ang tinatanggap niya? Hindi lang siya nagsusubo ng ostia. Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ang kanyang tinatanggap. Kaya buong paggalang at pasasalamat natin siyang tinatanggap. Nagpapasalamat tayo na natanggap natin ang Diyos mismo sa ating katawan. Nagiging kaisa tayo ng Diyos sa pagtanggap ng Banal na Komunyon. Kaya mahalaga na masimulan natin ang Banal na Misa ng maayos. Mahalaga na nikikinig tayo ng maayos sa mga pagbasa at sa homilia. Mahalaga na nakikiisa tayo sa mga dasal at awit sa buong misa. Sa ganitong paraan nagiging makabuluhan ang ating pagkokomunyon at dahan-dahan babaguhin tayo ni Jesus.

Sa ating panahon kailangan tayong magpatotoo sa katotohanan ng pagmamahal ni Jesus sa pagbigay ng kanyang sarili para sa atin. Magpatotoo at panindigan natin ito kasi may mga tao na pabaya dito. May mga tao na hindi naniniwala dito at may mga taong kinukutya ang katotohanang ito, tulad ng nangyari sa Paris Olympics. Pati ang Huling Hapunan ni Jesus ay kinutya. Hindi tayo pumapayag dito. Panindigan natin na banal ang pagmamahal ng Diyos, Banal ang Eukaristiya. Ito ay nagbibigay sa atin ng tunay na buhay.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 34,551 total views

 34,551 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 85,114 total views

 85,114 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 31,948 total views

 31,948 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 90,294 total views

 90,294 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 70,489 total views

 70,489 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 2,587 total views

 2,587 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 3,649 total views

 3,649 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 4,959 total views

 4,959 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 7,689 total views

 7,689 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 10,354 total views

 10,354 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 12,765 total views

 12,765 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 16,050 total views

 16,050 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 18,484 total views

 18,484 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 20,344 total views

 20,344 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 22,654 total views

 22,654 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 28,781 total views

 28,781 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 26,910 total views

 26,910 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 29,193 total views

 29,193 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 32,099 total views

 32,099 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 31,745 total views

 31,745 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top