Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 376 total views

7th Sunday in Ordinary Time Cycle C

1 Sam 26:2.2-7.12-12.22-23 1 Cor 15:45-49 Lk 6:27-38

Bilang mga Kristiyano, iba ang pamantayan natin kaysa mundo, kasi hindi tayo tulad ng mga taong makamundo. Ika nga ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, hindi lang tayo galing sa lupa tulad ng unang Adan. Mula din tayo sa langit tulad ng ikalawang Adan na walang iba kundi si Jesus. Kaya ang point of reference natin, ang ating standard ay hindi lang makalupa.

Sa unang pagbasa, sa pananaw panlupa, nandiyan na ang pagkakataon na maipagtanggol ni David ang kanyang sarili, at makabawi pa siya sa kanyang kaaway. Galit na galit si haring Saul kay David dahil sa kanyang inggit at insecurity. Kina-iinggitan niya si David dahil sa siya ay mas pinaparangalan ng mga tao kaysa kanilang hari. Sumasayaw ang mga babae na umaawit na si Saul ay pumapatay daw ng isang libong mga kaaway at si David ng sampung libo. Nagiging insecure din si Saul na baka agawin na sa kanya ang kaharian kasi bantog na si David. Kaya sa halip na harapin ang mga kaaway nilang mga Filisteo, dinala niya ang tatlong libong mandirigma niya upang hanapin at patayin si David.

Nagkaroon ng pagkakataon si David na patayin si Saul. Isang gabi, napasok niya ang campo ni Saul at natagpuan niya at ng kanyang kasama si Saul na natutulog. Pinapaikutan nga siya ng kanyang mga kawal pero lahat naman sila ay tulog na tulog. Nakatayo sa ulunan ni Saul ang sibat na kanyang sandata. Madali na noon na patayin si Saul. Ano ang pumigil kay David? Ang paniniwala na si Saul ay hinirang ng Diyos. Ayaw niyang magbuhat ng kamay laban sa itinalaga ng Diyos, kung hindi, ang Diyos na ang makakalaban niya. May takot siya sa Diyos kaya hindi siya naghiganti.

Sa ating ebanghelyo narinig natin ang katangi-tanging turo ni Jesus sa ating mga Kristiyano: ito ay ang pagmamahal sa mga kaaway. Lahat naman ng relihiyon ay nagtuturo ng pagmamahal, pero sa atin lang na mga Kristiyano ang katuruan na mahalin mo ang iyong kaaway. Ano ang ibig sabihin nito? Huwag natin bawian ng masama ang gumagawa ng masama sa atin; sa halip pagbigyan natin siya, ipagdasal pa nga natin sila. At bakit natin gagawin ito? Kasi tayo ay mga anak ng Diyos Ama na nagbibigay ng sinag ng araw at ng ulan sa mabubuti at masasama. Siya ay mahabagin sa lahat at hindi lang sa mga naniniwala sa kanya. Kaya huwag nating husgahan ang iba, tulad ng hindi naman tayo hinuhusgahan ng Diyos. Ang Diyos nga ang ating standard. Kung ano ang Ama ganyan din dapat ang mga anak.

Kung hindi dahil sa Diyos, walang dahilan na gagawin natin ito. At hindi natin makakayang patawarin ang nagkakasala sa atin, pahiramin ang mga makunat na magbayad, tulungan ang mga hindi naman natin kaanu-ano. Kaya napakahalaga na kilala natin ang Diyos kasi hindi lang natin siya paniniwalaan. Dapat din natin siyang tularan. Dahil sa ibinigay na niya ang kanyang buhay maka-Diyos sa atin, mamuhay din tayo tulad ng Diyos. Siya ang ating standard.

Ngayong election may mga kandidato na nananawagan na mag-move-on na tayo. Huwag na natin kalkalin ang nakaraan. Magka-isa na lang tayo. Hindi ito ang ibig ituro sa atin ng Diyos na hayaan na lang ang mga kasamaan na nangyari na. Oo, handa tayong magpatawad, ngunit hindi po tayo makaka-move on kung hindi natin hinaharap at inaamin ang nakaraan. Totoo na ang Diyos ay mapagpatawad at tayo rin ay maging mapagpatawad. Pero mapapasa atin ang pagpapatad ng Diyos kung nagsisisi tayo at inaamin ang ating kasalanan. Kaya nga ang panawagan ni Jesus ay MAGSISISI NA KAYO UPANG SA EBANGHELYO MAKAPANIWALA. Kaya nga kahit na si Jesus ay namatay na para sa kapatawaran ng kasalanan, magiging mabisa at makabuluhan ang kanyang pagpapatawad sa atin kung umaamin tayo at humihingi ng kapatawaran. Iyan nga ang ginagawa natin kapag tayo ay nangungumpisal. Inaamin at pinagsisihan natin ang kasalanan at tayo ay nakakatanggap ng pagtawad ng Diyos at makaka-move on na tayo sa panibagong buhay.

Ganyan din po sa ating kalagayan. Huwag tayo maging mapaghiganti. Gayahin natin ang habag ng Diyos. Maging mapagpatawad tayo sa iba. Pero magagawa lamang natin ito kung inaamin naman ng iba ang kasamaan na ginawa nila. Kung walang pag-aamin hinahayaan na lang natin na manatili ang masama at maaari pang ulitin at ipagpatuloy ang mga ito.

Kaya sa mga nagsasabi na magkaisa na lang tayo at huwag nang pansinin ang nakaraan, sinasabi natin na ang Diyos natin ay mahabagin at makatarungan. Mapapatawad natin ang nakaraan kung inaamin nila na mali ang kanilang ginawa noong martial law, na mali ang pagpapapatay sa tao sa ngalan ng war on drugs, na mali ang pagbibintang sa mga tao na sila ay rebelde at pagpapakulong sa kanila sa gawa-gawang mga kaso. At hanggang ngayon marami pa ang nakakulong dahil lang sa pagbibintang na wala namang katotohanan. Ang resulta ng mga kasamaan noon ay patuloy pa rin ngayon at marami pa ang nagdurusa dahil dito. Marami pa ang mga ninakaw noon na ngayon ay hindi pa naibabalik sa taumbayan at binabayaran pa ng buwis ng mga tao. Marami pa ang mga nabalo at naulila sa ngalan ng war on drugs na pinababayaan lang. Ang mga pulis at militar na mamamatay tao ay malaya pa at marahil handa pang magpabayad upang pumatay. Ang polisia ng red-tagging at pagpatay sa mga drug addicts kuno ay nandiyan pa rin. How can you say that we move on? Managot muna sila. Aminin muna nila ang kamalian nila.

Ang ating Amang nasa langit ay mapagpatawad. Pinadala nga niya ang kanyang anak upang patawarin tayo. Hinihikayat tayo na kung tunay din tayong anak ng Diyos na mahabagin ay maging mahabagin din tayo. At ang lahat ay handa nating patawarin, pati na ang ating mga kaaway at ang gumawa ng masama sa atin. Pero ang pagpapatawad ay may bisa kung inaamin ng pinatatawad ang kanyang kasalanan. Hindi mapapasakanya ang patawad kung hindi naman niya inaamin na may kasalanan siya. Kaya kasama sa ating panawan na maging mapagpatawad ay ang atin ring panawagan sa lahat na nagkasala – magsisisi na kayo at magbagong buhay. Huwag mag-alinlangan na aminin na ang kasalanan; maunawain ang Diyos at ang kanyang bayan. Hindi tayo makaka-move on kung walang pag-amin at pagsisisi.

Bp Broderick Pabillo

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Culture Of Waste

 4,164 total views

 4,164 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 12,181 total views

 12,181 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 18,641 total views

 18,641 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 24,118 total views

 24,118 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »

Higit sa simpleng selebrasyon

 34,135 total views

 34,135 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 7,949 total views

 7,949 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 9,046 total views

 9,046 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 14,651 total views

 14,651 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 12,121 total views

 12,121 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 14,169 total views

 14,169 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 15,497 total views

 15,497 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 19,743 total views

 19,743 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 20,171 total views

 20,171 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 21,231 total views

 21,231 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 22,541 total views

 22,541 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 25,270 total views

 25,270 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 26,456 total views

 26,456 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 27,936 total views

 27,936 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 30,346 total views

 30,346 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 33,618 total views

 33,618 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top