Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 9,976 total views

Feast of the Baptism of the Lord Cycle C
Is 40:1-5.9-11 Ti 2:11-14;3:4-7 Lk 3:15-16.21-22

Ang pagbibinyag sa ating Panginoong Jesus ay nagpapaalaala sa atin ng ating binyag, ngunit hindi magkapareho ang ating binyag sa kanyang binyag. Ang pagbibinyag na ginagawa ni Juan Bautista sa mga tao noong panahon niya ay tanda ng pagsisisi ng kanilang mga kasalanan. Kinikilala ng mga tao ang kanilang pagkakasala dahil sa pahayag ni Juan; nagsisisi sila at inaamin nila ang mga kasalanan nila, at sila ay binibinyagan o hinugasan ni Juan sa ilog, tanda ng pagsisisi nila. Si Jesus ay wala namang kasalanan pero siya ay dumating sa mundo upang akuin ang ating mga kasalanan at tanggalin ito sa pag-aalay ng kanyang sarili sa krus para sa atin. Wala siyang kasalanan pero nakikiisa siya sa ating kalagayang makasalanan. Inako pa nga niya ang ating kasalanan. Sinabi nga ni Propeta Isaias: “Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan. Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya.” Ito rin ang sinulat na Tito na ating narinig sa ating ikalawang pagbasa: “Ibinigay niya ang kanyang sarili upang iligtas tayo sa lahat ng kalikuan at linisin para maging kanyang bayan na nakatalagang gumawa ng mabuti.” Ang pagbibinyag ni Jesus ay ang simula ng kanyang pagmimisyon. Dito nakiisa na siya sa ating kalagayan. Dahil dito nagpabinyag siya. Ipinahihiwatig niya na siya rin ay makasalanan tulad natin.

Iba ang ating binyag. Talagang makasalanan tayo. Kailangan tayong linisin sa ating kasalanan, kaya tayo ay nagpapabinyag. Dahil sa ating binyag inagaw na tayo mula sa kuko ng demonyo at ginawa na tayong anak ng Diyos na nakikiisa sa buhay ng Diyos. Dahil dito hinihikayat tayo na pabinyagan ang ating mga anak sa lalong madaling panahon. Papatagalin pa ba natin na ang anak natin ay nasa kapangyarihan ng demonyon? Kaya ang binyag ng mga bata ay hindi nagdedepende kung may panghanda ba tayo o wala. Hindi pera o handa ang considerasyon dito kundi grasya ng Diyos, kaya nga tinanggal na ang bayad para sa binyag para hindi maging hadlang sa binyag ang pera.

Ang ating binyag ay may kaugnayan sa pananampalataya. Dahil sa nananalig tayo na si Jesus ay tagapagligtas, nakikiisa tayo sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay sa sakramento ng binyag. Ang mga sanggol ay binibinyagan sa pananampalataya ng kanyang mga magulang at mga ninong at ninang. Ang mga magulang at mga ninong at ninang ang sasagot para sa mga bata at may pananagutan sila na palalakihin ang mga anak nila ayon sa katuruan ni Jesus. Dahil dito pipiliin naman natin ang mga ninong at ninang ng mga anak natin na nagpapahalaga sa kanilang pananampalatayang Kristiyano at isinasabuhay ito.

Kahit na magkaiba ang binyag ni Jesus sa ating binyag, kasi wala naman si Jesus na kasalanan na dapat tanggalin pero tayo ay may kasalanan na dapat linisin ng tubig ng binyag, pero may isang malaking pagkapareho ang binyag natin sa binyag ni Jesus. Noong si Jesus ay bininyagan nagsimula na siya sa kanyang pagmimisyon. Iniwan ni niya ang Nazareth kung saan siya lumaki at naglakbay na siya sa mga nayon ng Galilee upang mangaral sa mga tao na dumating na ang paghahari ng Diyos. Ang kanyang binyag ay kaugnay sa kanyang misyon. Tayo rin, dahil sa tayo ay bininyagan may misyon din tayo, at iyan ay ang pagpatuloy ng misyon ni Jesus. Kaya nga ang bawat binyagan ay misyonero. Kailangan natin ipakilala si Jesus sa pamamagitan ng ating pamumuhay na naaayon sa kanyang mga aral, sa pamamagitan ng pagseserbisyo sa paggawa ng kabutihan, at sa ating pakikiisa sa mga gawain ng simbahan. Maging conscious po sana tayo na ang dakilang biyaya ng binyag na tayo ay naging anak na ng Diyos, ay may kaakibat na pananagutan, na kumilos tayo para lumawak ang paghahari ng Diyos, pati na sa larangan ng politika at ng kapaligiran. Kaya ang tunay na binyagan ay hindi nagwawalang kibo sa mga kasamaan na nangyayari sa ating lipunan at sa pagkasira ng ating kapaligiran.

Palaging ipaghanda natin ang daraanan ng Panginoon. Dumadating siya sa ating mundo at sa ating buhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng tapang sa ating misyon sa mundo. Sinasabi natin: “Narito ang iyong Diyos.” Hindi siya pabaya. Dumarating ang ating Diyos na makapangyarihan at kakalingain niya tayo patungo sa kanya.

Noong binyagan si Jesus, nandoon ang isang tatlong Diyos. Habang nagdarasal si Jesus na anak ng Diyos na naging tao pagkatapos ng kanyang binyag, bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa hugis ng kalapati at may boses na nanggaling sa langit na nagsabi sa kanya: “Ikaw ang minamahal kong anak; lubos kitang kinalulugdan.” Involved ang Sang-tatlong Diyos sa binyag ni Jesus. Involved din ang Sang-tatlong Diyos sa binyag ng bawat isa sa atin. Nagiging kapatid tayo ni Jesus, naging Ama natin ang Diyos Ama at naging templo tayo ng Espiritu Santo na nananahan na sa ating katawan. Sana po palaging manatili ang ating relasyon sa Sang-tatlong Diyos sa ating buhay. Manatili sana tayong kapatid at kaibigan natin ni Jesus na tinutularan natin ang kanyang halimbawa. Gamitin natin nang maayos at pahalagahan ang ating katawan. Nananahan sa atin ang Espiritu Santo. Maging masunurin tayo sa Diyos Ama bilang mabubuting anak niya. Noong tayo ay bininyagan sinabi ng Diyos Ama sa bawat isa sa atin: “Ikaw ang minamahal kong anak.” Masasabi pa ba niya sa atin ngayon: “Lubos kitang kinalulugdan?” Sana po palagi tayong nabubuhay sa paraan na kinagigiliwan tayo ng Diyos.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

May katarungan ang batas

 11,825 total views

 11,825 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 26,387 total views

 26,387 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 32,504 total views

 32,504 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »

Disinformation At Polarization

 39,355 total views

 39,355 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »

Pagkamamamayang for sale?

 46,375 total views

 46,375 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 16, 2025

 560 total views

 560 total views 6th Sunday of Ordinary Time Cycle C Jer 17:5-8 1 Cor 15:12.16-20 Lk 6:17.20-26 Marami sa atin, o baka lahat tayo, ay naghahanap ng swerte. Ang swerte ay nagbibigay ng kasiyahan, kaya nagiging mapalad tayo. Kaya ang bati natin sa isang aalis, swertihin ka sana. Maging mapalad ka nawa sa trabaho mo o

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 9, 2025

 2,800 total views

 2,800 total views 5th Sunday of Ordinary time Cycle C Is 6:1-2.3-8 1 Cor 15:1-11 Lk 5:1-11 Sa harap ng mga dakilang tao, o kakila-kilabot na pangyayari, o napakaganda at hindi inaasahang pagtatagpo, nanliliit tayo. Nakikita natin ang ating sarili na hindi karapat-dapat. Natatakot at lumalayo tayo. Sino ba naman ako na makasaksi nito? Sino ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 2, 2025

 5,028 total views

 5,028 total views Feast of the Presentation of the Lord World Day for Consecrated and Religious Life Pro-Life Sunday Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking Mal 3:1-4 Heb 2:14-18 Lk 2:22-40 Apatnapung araw na pagkatapos ng pasko. Ayon sa kaugaliaan ng mga Hudyo, ang babaeng nanganak ng lalaki ay dapat pumunta sa templo upang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 26, 2025

 6,487 total views

 6,487 total views 3rd Sunday of Ordinary Time Cycle C Sunday of the Word of God National Bible Sunday Neh 8:2-4.5-6.8-10 1 Cor 12:12-30 Lk 1:1-4.4:14-21 Ano kaya ang dadalhin ng taong 2025 sa atin? Ito ay Jubilee Year, na ang ibig sabihin taon ng biyaya at habag ng Diyos. Hinihikayat tayo ng paksa ng jubilee

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 19, 2024

 7,750 total views

 7,750 total views Feast of Sto. Niño Holy Childhood Day (Sancta Infantia) Week of Prayer for Christian Unity Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Lk 2:41-52 Ang pananampalatayang Katoliko ay iisa lang sa buong mundo, ngunit ito ay nagkakaroon ng kanyang katangian sa bawat kultura depende sa katangian ng mga tao at sa kanilang kasaysayan. Ang debosyon sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 5, 2025

 10,081 total views

 10,081 total views Solemnity of the Epiphany of the Lord Pro Nigritis (African Mission) Is 60:1-6 Eph 3:2-3.5-6 Mt 2:1-12 Isang katangi-tanging tanda ng pasko ay ang parol, lalo na ang parol na may liwanag. Ito ang decoration na inilalagay natin para sa pasko. Bakit parol? Bakit parol na maliwanag? Ang kapistahan natin ngayon ang sasagot

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 1, 2025

 14,200 total views

 14,200 total views Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos Num 6:22-27 Gal 4:4-7 Lk 2:16-21 Happy New Year sa inyong lahat! Ngayon ay ang ika-walong araw pagkatapos ng Pasko. Ayon sa kaugalian ng mga Hudyo, sa ika-walong araw pagkasilang ng isang anak na lalaki, siya ay tutuliin. Ito ay isang tanda na siya ay Hudyo

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily Simbang Gabi December 22 2024

 13,513 total views

 13,513 total views 4th Sunday of Advent Mic 5:1-4 Heb 10:5-10 Lk 1:39-45 Ngayon na ang huling Linggo sa apat na Linggo ng Adbiyento. Nakasindi na ang lahat ng kandila sa ating Corona ng Adbiyento. Dumadating na ang bukang liwayway at sa ilang sandali na lang, darating na ang liwanag ng kaligtasan. Sinabi na sa atin

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 15, 2024

 15,568 total views

 15,568 total views 3rd Sunday of Advent Cycle C Gaudete Sunday Zeph 3:14-18 Phil 4:4-7 Lk 3:10-18 “Umawit ka nang malakas, Lungsod ng Sion. Sumigaw ka, Israel. Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem.” Iyan ang pahayag ni propeta Sofonias. Ang salitang Lungsod ng Sion at Lungsod ng Jerusalem ay iisa lang ang kahulugan. Ang Sion

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 8, 2024

 21,491 total views

 21,491 total views 2nd Sunday of Advent Cycle C Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6 Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 1, 2024

 24,901 total views

 24,901 total views 1st Sunday of Advent Cycle C World Day for People with Disabilities National AIDS Sunday Jer 33:14-16 1 Thess 3:12-4:2 Lk 21:25-28.34-36 December na! Ito ang buwan na inaasahan ng marami. Ito ang buwan ng maraming parties at masasarap na pagkain, buwan ng bakasyon, buwan ng mga regalo, buwan ng pagsasama ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 24, 2024

 27,536 total views

 27,536 total views Solemnity of our Lord Jesus, King of the Universe Dan 7:13-14 Rev 1:5-8 Jn 18:33-37 Ngayon na ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo, December 1, magsisimula na tayo ng bagong taon sa taon ng simbahan na tinatawag nating Liturgical Year. Ang Huling Linggo ay nagpapaalaala sa atin ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 17, 2024

 26,051 total views

 26,051 total views 33rd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of the Poor Dan 12:1-3 Heb 10:11-14.18 Mk 13:24-32 Darating ang malalaking pagbabago sa mundo. Iyan ang nararamdaman natin at iyan ang pinaparamdam sa atin ng ilang mga scholars at ng ilang mga politiko. Nararanasan natin ang climate change. Umiinit ang panahon. Tumitindi ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 10, 2024

 28,289 total views

 28,289 total views 32nd Sunday of Ordinary time Cycle B 1 Kgs 17:10-16 Heb 9:24-28 Mk 12:38-44 Kapag pinag-uusapan ngayon ang kahirapan, sino ba ang naiisip natin na mahirap? Siguro naiisip natin ang mga batang lansangan, ang mga may kapansanan na nakatira sa squatter areas o ang mga katutubo sa gubat. Sila iyong kawawa. Sa panahon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 24,996 total views

 24,996 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top