Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 713 total views

4th Sunday of Ordinary Time Cycle A National Bible Sunday

Zeph 1:3 – 3:12-13 1 Cor 1:26-31 Mt 5:1-12

Mag-isip kayo ng mga taong kilala. Sino sila? Magbigay nga kayo ng dalawang pangalan sa isip lang ninyo. Bakit ba sila kilala? Bakit ba sila nasa balita o nasa social media? Dahil sa sila ba ay may posisyon sa politica o sa business? Dahil sa sila ba ay mayaman? Dahil sa sila ba ay maganda, o artista o singer o champion sa mga sports? Sila ay naging sikat dahil sa mga ito. Marami sa atin ay may lihim na hangarin na maging tulad din nila. Sana maganda din ako, sana may posisyon din ako, sana mayaman din ako. Pero masaya ba ang mga ito? Kung masaya sila bakit hindi sila kontento? Mayaman na nagiging kasama pa sa corruption. Nakatikim na ng posisyon, ayaw nang bumaba; inaangkin ng kanilang pamilya ang posisyon sa gobyerno kaya may political dynasty. Ilang taon na silang nakaupo at hindi naman umuunlad ang lunsod pero gusto pa rin nilang umupo. Gwapo naman at maganda pa ang asawa, bakit nagkahiwalay? Bakit nagpapatayan ang mga mayayaman at makapangyarihan? Bakit may maraming mga broken families sa kanila? Isa lang ang ibig sabihin nito: Hindi sila masaya.

Ano nga ba ang nagpapasaya sa buhay – ang tunay na kaligayahan at hindi pansamantala o panandalian lang? Nagsisigawan habang nagtutupada ang manok pero pagkapos tahimik na. Ilang oras na kasiyahan habang nag-iinuman at tapos masakit na ang ulo. Lumulutang ang ulo at damdamin habang high sa droga at pagkatapos wala na. Hindi naman iyan tunay na kasiyahan.

Ang Diyos na may likha sa atin ang may alam kung paano talaga tayo magiging masaya. Pinapaalam niya ito sa atin sa kanyang Salita, kaya mahalaga sa atin ang Bibliya kung saan matatagpuan ang Salita ng Diyos na nakasulat. Ito ay gabay natin sa ating buhay. Sinasabi sa atin kung ano ang tunay na kaligayahan at paano ito mapapasaatin. Ngayong Linggo ay National Bible Sunday. Pinapaalaala sa atin ang kahalagahan ng Bible sa ating buhay. Linggo-linggo binabasa at pinaliliwanag ito sa atin sa simbahan. Sana araw-araw binabasa natin ito. Ito sana ay pinag-uusapan natin sa ating mga pamilya at sa kriska.

Ang kaligayahan ay wala sa kadakilaan. Sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na hindi naman tayo dakila o marurunong ayon sa pamantayan ng mundo noong tinawag tayo ni Kristo na makilala siya. Mga ordinaryo at maliliit na tao lamang tayo. Pero tayo ay pinagpala na makilala si Jesus at makiisa sa kanyang kaligayahan. Tayo ay tinuturuan ni Jesus ng mga paraan na magdadala sa atin sa kaligayahan. Iyan iyong mga beatitudes o mga mapapalad sa ating ebanghelyo.

Mayroong walong kalagayan na nagbibigay ng kaligayahan. Ano ang mga iyon? Ang pagiging dukha, ang tumatangis, ang mababang loob, ang paghahangad sa katarungan, ang pagiging maawain, ang may malinis na puso, ang nagsisikap para sa kapayapaan, ang pinag-uusig. Ano? Magdadala ito ng pagpapala? Mapalad ang mga ito? Liligaya ba sila sa ganitong mga situasyon? Iniiwasan nga natin ang mga ito kasi nagpapahirap ito sa ating buhay. Paano nagiging paraan ito para sa kaligayahan?

Nagiging masaya ang mga tao sa ganitong kalagayan kasi kikilos ang Diyos sa piling nila. Ang mga nasa ganitong kalagayan ay hindi pababayaan ng Diyos. Naa-attract ang Diyos sa panig ng mga tao na nasa ganitong sitwasyon. Ang kaligayahan niya ay hindi dinadala ng masakit o malungkot na kalagayan nila, tulad ng pagiging dukha, o pagtatangis, o pag-uusig sa kanila. Ang kaligayahan nila ay dahil sa sa ganitong mga situasyon nandoon pa rin ang Diyos na kumikilos at nakikiisa sa kanila.

Mapapalad ang mga taong dukha na wala ng inaasahang iba kundi ang Diyos sapagkat mapapasakanila ang kaharian ng Diyos. Dahil wala na silang iba pang maasahan kundi ang Diyos, isasama sila ng Diyos sa kanyang kaharian. Mapalad ang tumatangis, ang umiiyak, ang nalulungkot. Aaliwin sila ng Diyos. Hindi matitiis ng Diyos ang taong nalulungkot. Mapalad ang mga mababang loob. Mamanahin nila ang lupa. Sila ang maiiwan sa lupain pero ang mga mayayabang, ang mga matatalino, ang mayayaman, sila ang ipapatapon sa labas ng lupain. Mapalad ang nauuhaw at ang nakikibaka para sa katarungan. Ipagkakaloob sa kanila ng Diyos na makatarungan na kanilang hinahangad at ipinaglalaban.

Talagang mapalad ang mahabagin, kahahabagan din sila ng Diyos na mahabagin. Kung ano ang tinatakal natin sa iba, iyan din ang itatakal sa atin. Magiging masaya ang mga may malinis na puso, makikita nila ang Diyos. Na-aappreciate ng mga taong dalisay ang puso at hangarin ang mga magagandang bagay na ginawa at binibigay ng Diyos. Ituturing ng Diyos na kanya ang mga kumikilos para sa kapayapaan. Malapit sila sa Diyos, magiging mga anak sila ng Diyos na walang ibang hinahangad kundi ang kapayapaan sa mundo.

Mahirap matanggap na mapapalad ang mga inuusig, ang mga kinukutya, ang mga iniinsulto alang-alang kay Jesus. Pero hindi talaga sila pababayaan ni Jesus. Sa kanilang tinitiis na situasyon, nagbibigay sila ng pagpapatotoo na mahal nila si Jesus, na mahalaga siya para sa kanila, na mas mahalaga pa si Jesus kaysa kanilang buhay mismo. Talagang ituturing silang dakila sa kaharian ng langit.

Sa mga beatitudes na ito pinapakita sa atin ni Jesus na ang mga kalagayan na madalas iniiwasan natin ay siya pang nagdadala sa atin sa kaligayan kasi ang mga kalagayang ito ang nagdadala sa Diyos sa ating panig. Hindi absent ang Diyos sa mga dukha, sa mga tumatangis, sa mga maawain, sa mga inuusig, sa mga taong dalisay ang puso, sa mga nagpapahalaga sa katarungan at kapayapaan. Sumasakanila at kumikilos ang Diyos sa kanilang piling kaya sila nagiging mapalad.

Hindi attracted ang Diyos sa mga mayayaman, sa mga magaganda, sa mga mapakapangyarihan, at sa mga marurunong. Maaaring sikat sila sa mata ng tao pero hindi sa mata ng Diyos. Anumang kaligayahan na nararanasan nila ay mababaw at hindi permanente. Sa halip, nagbibigay ang Diyos ng kaligayahang tunay sa mga taong maliit na walang ibang inaasahan kundi ang Diyos. Diyan siya kumikilos sa kanilang piling.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,609 total views

 70,608 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,603 total views

 102,603 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,395 total views

 147,395 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,366 total views

 170,366 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,764 total views

 185,764 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,355 total views

 9,355 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Homily November 2, 2025

 10,180 total views

 10,180 total views Commemoration of all the Faithful Departed 2 Mac 12:43-46 Rom 8:31-35.37-39 Jn 14:1-6 Binabanggit po natin sa ating panalangin: “Sumasampalataya ako sa muling

Read More »

Homily October 26, 2025

 8,250 total views

 8,250 total views 30th Sunday of the Year Cycle C Prison Awareness Sunday Sir 35.12-14,16-18 2 Tim 4:6-8.15-18 Lk 18:9-14 Ngayon Linggo po sa buong bansa

Read More »

Homily October 19 2025

 10,567 total views

 10,567 total views 29th Sunday in Ordinary Time Cycle C World Mission Sunday Sunday of Culture Ex 17:8-13 2 Tim 3:14-4:2 Lk 18:1-8 Nagdarasal ka ba?

Read More »

Homily October 12, 2025

 17,006 total views

 17,006 total views 28th Sunday of Ordinary Time Cycle C Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day 2 Kgs 5:14-17 2 Tim 2:8-13 Lk 17:11-19 May pananalig

Read More »

Homily October 5, 2025

 19,128 total views

 19,128 total views 27th Sunday in Ordinary Time Cycle C Hab 1:2-3;2:2-4 2 Tim 1:6-8.13-14 Lk 17:5-10 Ang daing ni propeta Habakuk sa ating unang pagbasa

Read More »

Homily September 28, 2025

 17,340 total views

 17,340 total views 26th Sunday of Ordinary Time Cycle C National Seafarer’s Sunday Migrant’s Sunday Am 6:1.4-7 1 Tim 6:11-16 Lk 16:19-31 Maraming mga tao ang

Read More »

Homily September 21, 2025

 19,489 total views

 19,489 total views 25th Sunday of Ordinary Time Cycle C Am 8:4-7 1 Tim 2:1-8 Lk 16:1-13 Kapag binubuksan natin ang ating TV o ang ating

Read More »

Homily September 14, 2025

 21,011 total views

 21,011 total views Feast of the Exaltation of the Cross National Catechetical Day Num 21:4-9 Phil 2:6-11 Jn 3:13-17 Maraming kababalaghan at mga dakilang bagay na

Read More »

Homily September 7, 2025

 25,946 total views

 25,946 total views 23rd Sunday of the Ordinary Time Cycle C Wis 9:13-18 Phlm 9-10.12-17 Lk 14:25-33 “Sinong tao ang makatatarok ng kaisipan ng Diyos? Sino

Read More »
Scroll to Top