Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,755 total views

Solemnity of the Epiphany of the Lord

Pro Nigritis Sunday (African Mission)

Is 60:1-6 Eph 3:2-3.5-6 Mt 2:1-12

Hindi mawawala sa eksena ng Pasko ang Tatlong Hari. Ngayong araw po, ang unang Linggo pagkatapos ng Christmas Octave, ay ang tradisyonal na tinatawag nating Feast of the Three Kings. Pero hindi po angkop ang pangalang ito kasi hindi naman sinasabi sa Banal na Kasulatan na ang dumalaw sa sanggol na si Jesus ay mga hari, ni hindi naman sila tatlo. Oo, may tatlo silang dalang regalo pero hindi natin alam kung sila ay tatlo. Ang binibigyang kahulugan ng kapistahan ngayon ay hindi ang mga dumalaw kay Jesus kundi ang kahulugan ng pangyayari, na walang iba kundi ang pagpapakita, ang pagpapahayag ni Jesus sa lahat ng mga bansa. Kaya ang tamang pagtawag sa kapistahang ito ay Feast of the Epiphany of the Lord, o kapistahan ng Pagpapahayag o Pagpapakita ng Panginoon.

Ang Anak ng Diyos ay naging tao. Para kanino siya dumating? Siya ay ipinangako sa mga Hudyo, pero siya ay dumating para sa lahat ng mga tao. Ito ang lihim na ipinagkatiwala kay San Pablo sa ating ikalawang pagbasa. “Sa pamamagitan ng Mabuting Balita, ang mga Hentil, tulad din ng mga Hudyo, ay may bahagi sa mga pagpapalang mula sa Diyos; mga bahagi din sila ng iisang katawan at kahati sa pangako ng Diyos dahil kay Kristo Jesus.” Hindi lang siya dumating para sa isang lahi, o sa isang pangkat. Si Jesus ay dumating para sa lahat! Kaya ayon kay propeta Isaias sa ating unang pagbasa, darating ang mga tao sa lahat ng panig ng daigdig, nakasakay sa mga kamelyo at iba pang sasakyang panlakbay, dala-dala ang maraming regalo, tulad ng ginto at kamanyang. Sila ay nililiwanagan ng kaningningan ng Diyos upang makipagtagpo sa Panginoon. Ito ay ipinangako mga limang daang taon bago dumating si Jesus.

Ang pangakong ito ay inilarawan ng mga pantas. Sila ay galing sa Silangan, sa labas ng teritoryo ng mga Israelita. Hindi sila mga Hudyo, kaya iba-iba ang kulay ng kutis nila. Sila ay ginabayan ng liwanag ng bituin. Kaya maaaring sila ay mga mag-aaral ng mga bituin, mga astrologers, o noong panahon kilala na mga magi. Ang bituin na kanilang sinundan ay nagpapahiwatig ng pagdating ng Hari ng mga Hudyo, isang katangi-tanging hari. Ganoon kalakas ang kanilang paniniwala na iniwan nila ang kanilang mga lugar upang sundan ang bituing ito. Maaaring naglakbay sila ng mga dalawang taon. Dinala sila ng bituin sa Jerusalem at doon may confirmation sa kanilang hinahanap. Ang confirmation ay galing sa Banal na Kasulatan ng mga Hudyo. Sa Betlehem ng Judea doon ay isisilang ang isang mamumuno sa bayan ng Israel.

Ang Diyos ay gumagamit ng iba’t-ibang paraan upang siya ay matagpuan. Gumagamit siya ng mga pangyayari sa kalikasan tulad ng bituin, at gumagamit din siya ng Banal na Kasulatan. Pareho ang sinasabi ng science at ng relihiyon kasi iisa lang ang katotohanan at iisa lang ang pinanggagalingan ng katotohanan – ang Diyos mismo. Kaya walang conflict ang sinasabi ng science at ng relihiyon kung tama lang ang pag-unawa natin sa dalawang ito.

Pero bakit natagpuan ng mga pantas ang sanggol at hindi ng mga experts ng Bible? Hindi lang kasi sapat na alam natin ang katotohanan. Dapat natin sundin ang katotohanan. Naglakbay ang mga pantas, umalis sila sa kanilang pinanggalingan, kahit na malayo, upang sundin ang liwanag ng tala. Hindi umalis si Herodes at ang mga escriba sa Jerusalem. Ipinahanap lang nila ang bata. Hindi naman malayo ang Betlehem sa Jerusalem, mga sampung kilometro lang. Hindi sila interested na makatagpo ang katuparan ng pangako ng Banal na Kasulatan. Hindi natin matatagpuan ang Diyos na nagpapakita kung hindi natin personal na pupuntahan siya. Hindi natin maipapaubaya ang pagkikipagtapo sa Diyos sa iba. Kailangan ng personal na commitment. Kailangan ng personal na pagkilos.
Noong matagpuan ng mga pantas ang sanggol, nagpatirapa sila at sinamba siya. Kinilala nila na kakaiba ang sanggol na ito. Ipinakita nila ang kanilang pagkilala sa bata sa mga regalong ibinigay nila. Ang halaga ng regalo ay hindi lang dahil sa presyo nito, kundi sa kahulugan din nito. Para sa kanila ang batang ito ay isang hari kahit na sa sabsaban lang siya isinilang. Kaya naghandog sila ng ginto. Siya ay Diyos, kahit na simple lang ang kanyang kalagayan. Kaya naghandog sila ng kamanyang. Siya ay tao na magdurusa sa pag-aalay ng sarili. Kaya nagbigay sila ng mira. Ito ay ginagamit sa mga taong nasusugatan at nasasaktan.

Ang pagtatagpo sa Diyos na hinahanap ay nagdadala ng pagbabago. Kaya ginabayan sila ng Diyos na hindi na bumalik sa dating daan. Hindi na sila pinabalik kay Herodes. Nagbabago ang daan natin kapag nakatagpo natin ang Diyos. Babaguhin niya tayo pero uuwi uli tayo sa ating pinanggalingan na dala-dala na ang magandang balita. Babalik tayo sa dating trabaho natin, sa dating lugar natin, sa dating pamilya natin pagkatapos ng Christmas holydays pero dala-dala na si Jesus na ating natagpuan ngayong pasko.

Ang Diyos ay hindi naging tao upang manatili lang na anonymous. Ito ang problema ng ating panahon ngayon. Nagtatago ang marami sa anonymity. Ayaw natin na tayo ay makilala. Hindi ba nakikita natin ito sa maraming fake accounts ngayon? Madaling magtago sa social media. Magbigay lang ng bagong pangalan. Madaling magtago sa malalaking lunsod. Magsusuot lang tayo ng kung ano ang uso at matatago na ang ating identity. Hindi ganyan ang Diyos. Siya ay nagpapakilala. Gumagamit ang Diyos ng maraming paraan upang siya ay makilala. Ginagamit niya ang kalikasan. Nakikilala natin ang kanyang kagandahan, ang kanyang kaayusan, pati na ang kanyang kapangyarihan sa kalikasan, tulad ng pagparamdam niya sa atin sa bagyong si Tino. Kaya kailangan nating pagmasdan ang kalikasan tulad ng mga pantas na pinagmamasdan ang mga bituin. Ginagamit din ng Diyos ang mga pamamaraan ng religiyon, tulad ng panalangin at Bibliya. Kaya kailangan din natin na basahin at alamin ang Bibliya. Ang Bibliya ay ang liham ng Diyos upang makilala natin siya. Ngayong bagong taon sana gumawa na tayo ng New Year’s resolution na basahin ang Bibliya araw-araw. Makikilala din natin ang Diyos sa mga pangyayari sa buhay. Nagsasalita din ang Diyos sa kasaysayan. Alamin natin ang kasaysayan at matuto tayo sa mga pangyayari. Huwag nating kalilimutan ang mga nangyari upang huwag nating ulitin ang kamalian ng mga nakaraan. Ito ay dapat nating alalahanin sa panahon ng halalan. Suriin natin ang track record ng mga politiko at ang mga ginawa ng kanilang mga pamilya.

Hindi lang sapat na mayroong kaalaman tungkol sa Diyos. Matatagpuan natin siya kung pupuntahan natin siya. Kailangan tayong umalis sa ating comfort zone, sa status quo. Kailangan tayong kumilos at lapitan siya. Kapag natagpuan natin siya, sambahin natin siya. Mag-alay tayo sa kanya. Ang balik-handog ay ang ating pag-aalay sa kanya. Ano ba ang handog na ibabalik natin sa kanya? Ang ating panahon? Ang ating talents? Ang ating treasures? Mahalaga ba sa atin ang Diyos? Pinapakita natin ito sa handog natin sa kanya. Huwag tayo manghinayang na magbalik handog ng ating panahon, talento at yaman sa kanya. Ang pag-aalay ay bahagi ng ating pagsamba sa Diyos.

Ang pakikipagtagpo sa Diyos ay nagdadala ng pagbabago sa atin. We are transformed by the Lord whom we encounter. Sana po nakatagpo natin ang Diyos sa nagdaang panahon ng Advent at Christmas, kaya tumutuloy tayo sa taong 2026 na may sigla at tiwala. Dala-dala natin ang assurance na kasama natin ang Diyos anuman ang dadalhin ng taong ito.

Ngayong araw mayroon tayong second collection para sa misyon ng simbahan sa Africa. Dumadami ang mga Kristiyano sa Kontinente ng Africa ngunit mayroon namang maraming problemang natatagpuan ang simbahan doon. Maraming mga kristiyano ang pinapatay, mga pari at mga seminarista ang kinikidnap. May mga digmaan din na nangyayari doon lalo na sa Sudan at sa Somalia. Kaya kasama ng ating second collection, ipagdasal natin ang simbahan sa Aftica.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 41,798 total views

 41,798 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 64,950 total views

 64,950 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 135,064 total views

 135,064 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 209,678 total views

 209,678 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 286,671 total views

 286,671 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily July 19, 2026

 314 total views

 314 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 12, 2026

 8,374 total views

 8,374 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »

Homily July 5, 2026

 18,977 total views

 18,977 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle A Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30 “Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa

Read More »

Homily June 28, 2026

 27,214 total views

 27,214 total views 13th Sunday in Ordinary Time Cycle A St Peter’s Pence Sunday 2 Kgs 4:8-11.14-16 Rom 6:3-4. 8-11 Mt 10:37-42 Madaling sagutin ang tanong:

Read More »
Scroll to Top