VeritasPH

The Word, The Truth

 602 total views

Holy Trinity Sunday Cycle A Basic Ecclesial Community Sunday

Ex 34:4-6.8-9 2 Cor 13:11-13 Jn 3:16-18

Kung hindi natin kilala ang isang tao, hindi tayo magiging malapit sa kanya dahil hindi natin alam paano makikitungo sa kanya. Ganoon din sa Diyos. Mahalagang makilala natin siya upang malaman natin paano tayo makikitungo sa kanya. Gusto nating makilala ang Diyos kasi gusto nating maging malapit sa kanya.

Paano ba natin makikilala ang Diyos? Makikilala natin siya sa kanyang mga ginawa. Kaya nakikilala natin siya sa pamamagitan ng sangnilikha. Sa pagmamasid natin sa mga ginawa ng Diyos nakikita natin na siya ay napakagaling, siya ay napakatalino, siya ay napakamakapangyarihan. Magaganda at mahiwaga ang lahat ng kanyang ginawa. Hanggang ngayon marami pa tayong nadidiskubreng mga bagay at mga batas sa nature. Hindi tayo makatitigil na mamangha sa mga ginawa niya. Talagang dakila siya!

Nakikilala din natin siya sa pamamagitan ng mga tao na malapit sa kanya, tulad ng mga propeta, ng mga santo at ng mga pinapadala niya. Ang mga taong ito ay may malalim na pag-unawa at pagkakilala sa Diyos.

Ngunit higit sa lahat nakikilala natin ang Diyos dahil siya mismo ay nagpapakilala sa atin. Ganoon niya tayo kamahal na nagpapakilala siya sa atin. Hindi siya malihim. Hindi lang sa mahal niya tayo. Gusto niya na mahalin din natin siya, kaya ipinakilala niya kung sino siya, kung ano ang balak niya, at kung ano ang gusto niya sa atin. Kaya Salamat sa Diyos na nakikilala natin siya.

Alam natin sa pamamagitan ng kalikasan at ng ating talino na ang tunay na Diyos ay iisa. Hindi siya magiging makapangyarihan sa lahat kung may iba pa na kapantay niya. Hindi lang siya iisa. Ipinakilala niya na siya ay isang Diyos ng pag-ibig. Ang iisang Diyos ay mapagmahal. Ito ang pagpapakilala niya kay Moises noong siya ay dumaan sa harap niya doon sa Bundok Sinai: “Akong Panginoon ay mapagmahal at maawain. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nananatiling tapat.” Hindi natin ito malalaman kung hindi niya sinabi. At ganito nga siya kumilos sa mga Israelita. Ang haba ng pasensiya niya sa kanila. Palagi siyang nagpapatawad.

Noong dumating si Jesus mas lalong nakilala natin ang Diyos. Nagpakilala siya na siya ay ang anak ng Diyos na naging tao. Pinatunayan niya ito sa kanyang mga salita at gawa. Ang mga ginawa niya ay hindi magagawa ng sinumang tao – ang kanyang mga himala, ang mga pagpapagaling, ang pagpapatawad ng kasalanan, ang pagpapalayas ng demonyo, ang pagbubuhay sa mga patay. At higit sa lahat, ang kanyang muling pagkabuhay. Siya ang anak ng Diyos, at siya at ang Ama ay nagpadala ng Banal na Espiritu upang gabayan tayo sa katotohanan. Kaya si Jesus na anak ng Diyos ay nagpakilala na ang iisang Diyos ay Ama, Anak at Espiritu Santo. Iisa sila sa pagka-Diyos. Iisang Diyos sila pero sila ay tatlong persona: Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang isang Diyos natin ay Trinity, na ang ibig sabihin ay ISA’TLO, ISANG TATLO. Ito ay isang hiwaga na hindi maabot ng ating kaisipan. Tinatanggap natin ito kasi ito ay sinabi mismo ng Diyos Anak, at naniniwala tayo na siya ang pinadala ng Ama at pinuspos siya ng Banal na Espiritu. Noong siya ay bininyagan, sa simula ng kanyang misyon, nandiyan ang Espiritu Santo na bumaba sa kanya sa anyo ng kalapati. May tinig na nagsalita sa ulap: “Ito ang aking anak na kinalulugdan, makinig kayo sa kanya.” Nandoon ang isa’tlong Diyos.

Sa ating ebanghelyo napakinggan naman natin ang pahayag sa atin na ganoon tayo kamahal ng Diyos na ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Pinadala ang anak hindi upang parusahan tayo kundi upang iligtas tayo. Ang pagliligtas na ito ay ang pagbigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Iyan ang balak niya sa atin, na makasama niya tayo sa buhay na walang hanggan.

Ang paniniwala sa ISANG TATLONG Diyos ay siya rin ang pahayag ng mga apostol. Kaya madalas natin marinig sa mga sulat nila ang pagpaparangal sa Diyos Ama, sa pamamagitan ni Jesukristo sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Sa ating ikalawang pagbasa ngayon narinig natin ang huling pagbati ni San Pablo sa mga taga-Corinto: “Sumainyo ang pagpapala ng Panginoong Jesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo.” Ang pagbati niya ay ang Diyos na ISA’TLO.

Ang ating mga dasal sa misa ay palagi nating itinutuon sa Diyos Ama, sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo. Ang Diyos Ama ang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala. Siya ang pinanggalingan natin at sa kanya tayo babalik. Ang Diyos Anak ay naging tao. Kapwa na natin siya. Kaya kasama-sama natin siya. Siya ang halimbawa natin paano magiging anak ng Diyos kasi tao siya tulad natin sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan. Tandaan natin ang kasalanan ay hindi bahagi ng ating pagkatao. Si Jesus din ang kaisa-isang tulay natin patungo sa Ama. Hindi tayo makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan niya. Ang Espiritu Santo naman ang nananahan sa atin. Ito ay ang kapangyarihan ng Diyos na ibinigay sa atin upang gabayan tayo sa kabanalan. Nananahan siya sa atin. Ang Diyos Ama ay ang Diyos na nasa taas natin. Tumitingala tayo sa kaya. Siya ang manlilikha. Ang Diyos Anak ay ang Diyos na kasama natin. Siya ang Kapwa natin. Siya ang Diyos na manliligtas. Ang Espiritu Santo naman ay ang kapangyarihan ng Diyos na naninirahan sa atin. He is within us. Siya ay nasa loob natin. Siya ang Diyos na nagpapabanal sa atin. Sa ating pag-aantanda ng Krus binabangit natin na ang lahat ay ginagawa natin sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Ang Diyos natin ay ang komunidad ng pagmamahalan. Ang Diyos natin ay isang samahan. Pantay sa pagka-Diyos ang isa’t-isa pero magkaiba sila, iba ang Ama sa Anak, iba ang Anak sa Espiritu Santo, iba ang Espiritu Santo sa Ama, pero iisang Diyos lang sila. Ito ay isang dakilang hiwaga na hindi gaano natin maunawaan pero matutularan natin. Ang tao ay hindi mag-isa. Hindi tayo mabubuhay na mag-isa. Kailangan natin ang iba para mabuhay. Natural sa atin na tayo ay nasa samahan, nasa samahan ng isang pamilya, ng isang grupo, ng isang simbahan, ng isang bayan. Hindi rin tayo magiging Kristiyano na mag-isa. Naging kristiyano tayo dahil sa iba at sa samahan ng mga Kristiyano tayo lumalago. Ganito tayo kasi tayo ay ginawa na kawangis ng Diyos na isang samahan din.

Sa isang samahan, pinag-iisa tayo pero magka-iba tayo. Hindi nalulusaw ang ating individuality o ang ating sariling pagkatao sa ating pagkakaisa sa samahan at hindi naman nagiging dahilan ng hindi pagkakaisa ang ating pagkakaiba. Sa halip ang pagkakaiba natin ay lalong nagpapatatag ng ating pagkakaisa. Ang bawat isa ay nag-aambag ng kanyang sariling kakayahan sa ating pagkakaisa.

Hindi ba iyan dapat ang ating Kriska, ang ating KRISTIYANONG KAPITBAHAYAN? Iba-ibang pamilya tayo, pero tayo ay nagkakaisa. Ang ating pagkakaisa ay nagpapatibay sa bawat miyembro. Ang ambag ng pagkakaiba ng mga miyembro ay nagpapatibay sa ating samahan. Kaya matutularan natin ang ating Diyos na ISANG TATLO.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 3,142 total views

 3,142 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 8,899 total views

 8,899 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 16,162 total views

 16,162 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 24,147 total views

 24,147 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,683 total views

 31,683 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,995 total views

 1,995 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,122 total views

 8,122 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,251 total views

 6,251 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,534 total views

 8,534 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,440 total views

 11,440 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,379 total views

 12,379 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,373 total views

 12,373 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,091 total views

 16,091 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,937 total views

 17,937 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,934 total views

 17,934 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,443 total views

 22,443 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,759 total views

 27,759 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,917 total views

 29,917 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,075 total views

 32,075 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 32,420 total views

 32,420 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top