VeritasPH

The Word, The Truth

 4,842 total views

31th Sunday of the Year Cycle A

Mal 1:14-2:2.8-10 1 Thes 2:7-9.13 Mt 23:1-12

Mahalaga po ang papel ng leaders sa anumang grupo. Sila ang nagbibigay ng direksyon sa grupo at kanilang gawain. Ang lahat ng grupo ay may mga leaders. Ang iba ay binoboto ng mga tao. Ang iba naman ay ina-assign sa atin, tulad ng mga pari natin o mga guro. Ang iba ay kinikilala na lang dahil sa kanilang posisyon, tulad ng magulang o ng ate sa pamilya, o dahil sa kanilang katangian o personalidad tulad ng sa mga barkada. Nagiging maayos ang grupo kung maayos ang mga leaders, kaya may sinasabi ang Diyos sa paraan ng pamumuno.

Sa ating unang pagbasa tinuligsa ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Malakias ang pamumuno ng mga saserdote, ng mga pari noong panahon ng Lumang Tipan. Sabi niya: “Lumihis kayo sa daang matuwid, kayong mga saserdote.” Ano ang kanilang ginawa? Hindi sila nagturo ng maayos sa mga tao at dahil dito marami ang nabulid sa kasamaan. Hindi nila sinasabi sa mga tao ang katuruan ng Diyos kaya hindi nasusunod ang kanilang kasunduan sa Diyos. Hindi naging tapat ang mga tao sa tipan ng Diyos dahil sa pagkukulang ng kanilang mga leaders na silang dapat tagapagturo sa kanila.

Ito rin ang puna ni Jesus sa mga leaders ng mga Israelita noong panahon niya: ang mga eskriba at mga pariseo. Sila ang tinitingala ng mga tao na leaders ng pananampalataya. Ang mga eskriba ay ang mga dalubhasa sa Batas ng Diyos. Ang mga Pariseo ay ang kinikilalang tagapagtaguyod ng Batas ng Diyos. Tama naman ang kanilang mga itinuturo pero hindi nila isinasabuhay ang kanilang itinuturo. Ang problema ng mga saserdote noong panahon ni Propeta Malakias ay mali at hindi buo ang kanilang itinuturo. Ang problema ng mga pariseo at eskriba sa panahon ni Jesus ay ang kanilang buhay. Mas pinapahalagahan nila ang kanilang sarili kaysa mga aral ng Diyos. Sinasabi nila sa mga tao na sundin ang mga batas pero hindi naman nila sila tinutulungan paano ito gagawin. Gusto lang nila na kilalanin ang kanilang posisyon. Kaya nilalaparan nila ang kanilang pilakterya. Iyan ay iyong tali sa kanilang braso at noo ayon sa kanilang kaugalian. Ito ay nagpapakita na nakatali ang batas sa kanilang kamay at ulo. Hinahabaan nila ang palawit sa kanilang kasuotan. Iyan naman ay tanda sa kanilang damit ng kanilang religious position. Gusto nilang makita ng mga tao ang kanilang posisyon, kaya ibig din nilang batiin sila at tawaging guro. Sa mga sinagoga, sa kanilang pagpupulong sa pagsamba, nandoon sila sa mga pangunahing luklukan, at ganoon din sa mga kainan. Gusto nila ng posisyon, hindi upang makapaglingkod kundi upang makilala sila ng mga tao. Marami ang mga tao na ganyan. May mga politiko na gustong tawagin na Your Honor, pero hindi naman kagalang-galang ang kanilang buhay. Hindi naman talaga sila honorable! Gusto nilang tawagin silang Sir or Madame pero hindi naman nila ginagawa ang kanilang tungkulin, at sa halip, utos ng utos lang. Galit si Jesus sa ganitong uri ng mga leaders.

Sa ating ikalawang pagbasa pinakita ni San Pablo ang ibang uri ng pamumuno. May pagmamahal siya sa mga kristiyano sa Tesalonika kaya ibinigay niya ang kanyang sarili sa pangangaral sa kanila ng Magandang Balita. Hindi lang siya nangaral. Itinalaga pa niya ang sarili upang makapag-serve sa kanilang mga pangangailangan. Para siyang isang mapagkalingang nanay sa kanila. Nagtratrabaho siya araw at gabi para hindi siya maging pabigat sa iba. Hindi lang siya nagpapahayag ng mga aral ng Diyos, naghahanap buhay din siya – siya ay tagatahi ng tolda – upang may pantustos siya sa kanyang pangangailangan. Hindi posisyon at hindi karangalan ang kanyang hinahanap kundi ang paglilingkod.

At mabuti naman at tinumbasan ng mga taga-Tesalonika ang kanyang pagsisikap. Tinanggap nila ang kanyang mga salita na ipinapahayag hindi bilang salita ng tao kundi bilang Salita ng Diyos. Kaya nakikita ang resulta ng kanyang mensahe sa buhay ng mga Kristiyano. Talagang nagbago sila at naging malapit sa Diyos.

Ang karamihan sa atin ay may mga leadership roles. Ang iba ay mga leaders dahil sa ating trabaho – bilang nahalal na opisyales ng barangay, bilang supervisor sa trabaho, o bilang guro. Marami ang kinikilalang leaders sa ating mga pamilya, bilang magulang, bilang lolo o lola, bilang ate o kuya. Ang iba ay may katungkulan sa simbahan at sa anumang grupo na sinasalihan natin. Anong klaseng leader tayo?

Bilang mga leader may tungkulin tayong gumabay sa iba sa pamamagitan ng ating mga salita. Tama ba ang sinasabi natin? Maayos ba ang ating mga instructions? Nakabubuti ba sa iba ang mga aral na binibigay natin?

Pero hindi lang sapat na tama ang ating sinasabi o itinuturo. Tinulungan din ba natin ang nasasakupan natin na magawa ang ating instructions at mga aral? Baka utos ng utos lang tayo at walang pakialam kung nagiging pabigat lang tayo sa iba at hindi na nakakatulong. Pero higit sa lahat, isinasabuhay ba natin ang ating sinasabi. Nagiging halimbawa ba tayo sa ating nasasakupan. Simpleng halimbawa lang. Kung sinabi natin na maging on-time ang mga tao, tayo ba ay on-time? Kung hinihingi natin na gawin nila ang mga tungkulin nila, ginagawa ba natin ang ating tungkulin?

At may malasakit ba tayo sa ating nasasakupan? Bilang mga pinuno tayo ba ay nakakatulong sa kanila o naging pabigat tayo sa kanila? Ang nakakalungkot lang na sa pamahalaan, sa trabaho at kahit na sa ating pamilya, maraming mga leaders ang dahilan ng hindi pagsulong ng mga tao. Sa halip na makatulong, naging hadlang pa sila sa pag-unlad ng mga tao. Nangyayari din ito sa simbahan. Sa halip na manguna ang pari sa mga programa ng simbahan sila pa ang nagpapahirap sa pagtupad ng mga ito. Sila ang ayaw magbago at gumawa ng extra effort. Hindi sila sumusuporta sa gawain ng mga grupo sa simbahan na nagpapatupad sa mga programa nito.

Malaki po ang pananagutan sa Diyos, tayong may mga leadership roles. Tayo ay katiwala ng ating posisyon. Iyan ay isang responsibidad. Magpasalamat tayo sa Diyos sa tiwala na ibinigay sa atin. Panindigan natin ang tiwalang ito. Huwag natin sayangin ang pagkakataon na binigay sa atin na makatulong tayo sa nasasakupan natin. Ang ating pagiging leader ay service natin sa iba, at iyan ay hindi para sa ating sariling kapakinabangan. Sinabi ni Jesus: Ako ay inyong guro a Panginoon ngunit naparito ako upang maglingkod at hindi upang paglingkuran.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 8,372 total views

 8,372 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 16,357 total views

 16,357 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 23,893 total views

 23,893 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 39,879 total views

 39,879 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 47,923 total views

 47,923 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,669 total views

 1,669 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 7,797 total views

 7,797 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 5,926 total views

 5,926 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,209 total views

 8,209 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,115 total views

 11,115 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,054 total views

 12,054 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,048 total views

 12,048 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 15,766 total views

 15,766 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,612 total views

 17,612 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,609 total views

 17,609 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,118 total views

 22,118 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,434 total views

 27,434 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,592 total views

 29,592 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 31,750 total views

 31,750 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 32,097 total views

 32,097 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top