Huwag ibenta ang boto, paalala ng Simbahang Katolika sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 702 total reads

Pinaalalahanan ng Obispo ng Tagbilaran ang mananampalataya na suriing mabuti ang bawat kandidatong pipiliin sa darating na halalan sa ika – 13 ng Mayo.

Ayon kay Bishop Alberto Uy, kung nais ng mga Filipino ang tunay na pag-unlad ng bayan ay marapat na ihalal ang mga taong karapat-dapat na maglingkod sa kapakanan ng mamamayan.

Hinimok ng Obispo ang mga botante na huwag ibenta ang boto.

kaya’t iwasang ibenta ang boto ng bawat isa. “Kon gusto ta mo-asenso, mopili ta’g mga maayong kandidato, ug dili na nato ibaligya ang atong boto. Ang kandidato nga kusog mogasto, inig lingkod mamawi todo-todo. [Kung nais natin na umasenso, piliin natin ang mabubuting kandidato at huwag ipagbili ang ating boto. Pakatandaan na ang kandidatong gagastos ng malaki, babawi kapag nailuklok na],” mensahe ni Bishop Uy sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo na ang mga taong nagbenta ng kanilang boto sa tuwing halalan ay walang karapatan na punahin ang hindi magandang serbisyo ng mga opisyal ng bayan.

Inihayag ng Obispo na kung paiiralin ang salapi sa pagpili ng mga mamumuno sa bayan ay maraming may kakayanan ang natatalo habang nagtatagumpay ang mga hindi karapat-dapat sa posisyon.

“Kon ang eleksyon kwartahay, daghan ang mudaog nga way angay. Kon di mahunong ang pinalitay og boto, daghang buotan ug makama-o di mokandidato. [Kung ang eleksyon idinaan sa salapi, maraming mananalo na hindi karapat-dapat. Kung hindi hihinto ang pagbili ng mga boto, maraming mabubuting tao ang hindi kumakandidato],” dagdag pa ng Obispo.

Sa tala ng COMELEC may kabuuang 60 milyong rehistradong botante ang inaasahang makikibahagi sa may 2019 midterm elections kung saan may 18 libo ang mga pupunan na posisyon, kabilang na ang 12 senador, 59 na party-list representatives at mga posisyon ng mga lider sa lokal na pamahalaan.

Hinikayat naman ni Bishop Uy ang mga kandidato na ipaliwanag sa publiko ang mga plataporma at mga programang inihahanda kung sakaling mailuklok ito sa posisyon.

Binigyang diin ng Pinunong Pastol ng Diyosesis ng Tagbilaran na ang pagbabago sa lipunan ay nagsisimula sa pagbabago sa sarili.

“Sa kalibotan daghan ang angay usbon. Pero, ang pinaka-importante mao ang kaugalingon. [Sa mundo marami ang dapat na baguhin subalit higit na mahalaga ang pagbabago sa sarili],” ani ni Bishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 214,820 total reads

 214,820 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 249,493 total reads

 249,493 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 265,393 total reads

 265,393 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 301,883 total reads

 301,883 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 307,725 total reads

 307,725 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top