Itigil ang pagpapatupad ng TRAIN law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total reads

Kawalan ng tiwala sa pamamaraan ng pangangasiwa at sistemang pinansyal ang mga krisis na nararanasan partikular sa pananalapi.

Ito ang pahayag ni Pope Emeritus Benedict XVI na nailimbag sa aklat na DOCAT hinggil sa mga usaping may kinalaman sa pananalapi at kabuhayan ng mamamayan.

Sinabi ng Santo Papa na ang sistema ng pananalapi, komersyo at sistema ng produksyon ay nakasalalay sa likha ng tao kaya’t taglay din nito ang ugat ng sariling pagbagsak.

Dahil dito, ikinadismaya ng grupong Bantay Bigas ang kawalan ng pakialam ng mga tumatakbong kandidato sa nalalapit na halalan sa epekto ng reporma sa pagbubuwis ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng grupo, ang pagtaas ng presyo ng ilang bilihin ay bunsod pa rin ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law.

“Nakalulungkot na sa lahat ng tumatakbo sa pagkasenador lalu na ang mga re-electionist at mga ine-endorso ng administrasyon ay walang posisyon sa pahirap na TRAIN LAW,” mensahe ni Estavillo sa Radio Veritas.

Batay sa pagsusuri ng grupo sa mga pamilihan, 59 na mga produkto ang nagtaas ng presyo ng tulad ng gatas, sardinas, kape, mga sabon at iba pa dahil sa pagpatupad sa ikalawang bahagi ng TRAIN Law.

Sa mensahe ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa Pandaigdigang pagtitipong Pang-ekonomiya noong 2014, hiniling nito sa bawat isa na tiyaking ang sangkatauhan ay pinaglilingkuran ng kayamanan at hindi pinaghaharian nito.

Kaugnay dito nanawagan ang Bantay Bigas sa pamahalaan na ihinto ang pagpapatupad ng TRAIN Law upang maibsan ang paghihirap ng mga Filipino lalo na ang mga walang sapat na pinagkakakitaan dahil sa labis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kasabay nito ang panawagan na ipatupad ang 750 pisong minimum wage sa mga manggagawa upang matulungan ito sa araw-araw na pamumuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 214,753 total reads

 214,753 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 249,426 total reads

 249,426 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 265,326 total reads

 265,326 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 301,816 total reads

 301,816 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 307,663 total reads

 307,663 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top