Ika-40 taong anibersaryo ng EDSA, panahon ng pagsusuri sa laganap na katiwalian sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,775 total reads

Hinimok ni Diocese of San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang mga mananampalataya na maging mapanuri lalo na sa panahon ng eleksiyon kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa Obispo, ang pagdiriwang ng EDSA ay hindi lamang pag-alala sa pagkilos ng mamamayan laban sa diktadura ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr kundi isang panahon ng pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, lalo na sa usapin ng korapsyon, pandaraya, at hindi wastong paggamit ng kaban ng bayan.

“Ninais nating labanan ito upang mawakasan ang malawakang korupsiyon, mapatigil ang pandaraya, magkaroon ng paggalang sa buhay, magkaroon ng kalayaan ang mga political prisoners, at higit sa lahat ay magkaroon ng pag-unlad ang ating bayan na lugmok sa kahirapan. Ngayon ay ating ipinagdiriwang ang anibersaryo ng EDSA Revolution upang patuloy na labanan ang katiwalian sa ating gobyerno, lalo na ang pandaraya, hindi wastong paggamit sa kaban ng bayan, at ang pagpapayaman ng ilan sa mga nanunungkulan gamit ang pera ng ating bayan.” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

Ipinaalala ni Bishop Presto na mahalagang pumili ng mga lider na may malinaw na prinsipyo, may malasakit sa bayan, at may tunay na hangaring mapaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino.

Nakikiisa ang Obispo sa mga panawagan para sa tapat at makataong pamamahala upang mawakasan na ang korapsyon, katiwalian at mga political dynasties.

“Kaya nga’t kailangan nating maging mapanuri palagi, lalo na sa panahon ng eleksiyon. Piliin natin ang mga lider na alam nating may malasakit sa bayan, mga lider na may malinaw na prinsipyo sa pamumuno, at mga lider na may hangad na mapaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino, Makiisa din tayo sa mga panawagan o pagkilos upang isa-boses ang ating mithiin para sa kabutihan ng lahat, na ang mga lider ay maglingkod nang tapat at may pagmamalasakit,” bahagi pa ng mensaheng pinadala ni Bishop Presto.

Iginiit ni Bishop Presto na nananatiling hamon ang katiwalian at karahasan sa lipunan kaya mahalaga ang panalangin at aktibong pakikilahok ng mamamayan upang matiyak na ang pamumuno sa bansa ay nakatuon sa kabutihan nang lahat na kaakibat sa paninindigan ng Simbahan laban sa korapsyon at sa pagsusulong ng dignidad ng bawat tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,661 total reads

 72,661 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,839 total reads

 107,839 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,139 total reads

 143,139 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,408 total reads

 369,408 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,820 total reads

 258,820 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top