Ikatlong civilian mission sa WPS,suportado ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,656 total reads

Ipinarating ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagbati at suporta sa West Philippine Sea: ATIN ITO! Movement sa ikatlong civilian lead mission patungong West Philippine Sea (WPS) at pagdaraos ng Peace and Solidarity Concert sa Mayo.

Ayon sa Obispo, malaking tulong ang misyon upang ipakita sa China na inaangkin ang WPS na nagkakaisa ang mga Pilipino sa paninindigan.

Sinabi ng Obispo ito upang higit na maipaalam sa mas marami pang Pilipino ang kinakailangan na pagkakaisa at higit na mapalalim ang kanilang kaalaman sa mga usaping may kaugnayan sa teritoryo.

‘I congratulate the ATIN ITO! Movement for making another mission to the West Philippine Sea para ipakita po na ang mga civilians ay handang magtaya para po sa West Philippine Sea at upang tawagin ang pansin ng ating mga kapwa Pilipino at nang International Press about doon sa ating paninindigan para po sa West Philippine Sea,’ ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Nagpapasalamat din si Bishop Pabillo sa mga inisyatibo ng ATIN ITO! Movement sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas.

Unang idadaos ang Peace and Solidarity Concert sa Mayo na itatampok ang tanyag na mang-aawit at musikerong si Noel Cabangon, all-women rock group ng ‘Rouge’ kasama pa ang mga grupo ng mangingisda, progresibong sektor, musikero at mang-aawit upang magtanghal at manindigan para sa soberanya ng Pilipinas.

Sa May 25 naman itinakda ang target date sa paglalayag patungong WPS kasama ang mga makikilahok na mangingisda, sibilyan at media outlets sa ikatlong civilian-led mission.

“Kaya Maganda itong kanilang initiative na 3rd time na pupunta dito, pupunta doon sa civilian mission ng ATIN ITO! para ipakita sa lahat tayong mga Pilipino ay may paninindigan para sa ating sovereignity,” bahagi pa ng panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Una ng hinayag ng North Luzon Bishops kasama ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pakikiisa sa mga gawaing ipinaglalaban ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 16,848 total reads

 16,848 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 52,349 total reads

 52,349 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 108,755 total reads

 108,755 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 231,480 total reads

 231,480 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top