Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bigyang pahinga ang inang kalikasan, panawagan ni Bishop Santos sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 13,142 total views

Makikiisa ang Diyosesis ng Antipolo sa pagdiriwang ng Earth Hour 2025 bilang pagkilala at pagbibigay-pahinga sa daigdig—ang inang kalikasan.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, ang taunang paggunita ay hindi lamang para sa isang oras na pagpapatay ng mga kagamitang de-kuryente, kundi isang malalim na panawagan upang tumigil sandali, magnilay, at kumilos bilang mga katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

“As we prepare our hearts and minds for Earth Hour 2025… I invite you to join me in embracing this hour through a pledge, a practice, and a prayer that honors the gift of our shared home,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos mula sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinikayat ng obispo ang bawat isa na mangako at manindigan sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang tulad ng pagbabawas ng paggamit ng enerhiya, pagtatanim ng mga puno, pagbabawas ng mga basura, at pagsusulong ng mga patakarang nangangalaga sa mundo.

Hamon din ni Bishop Santos sa lahat na gawing kasanayan ang diwa ng Earth Hour–tulad ng paglalaan ng isang oras bawat linggo para sa “creation rest,” kung saan iiwasan muna ang paggamit ng electronic devices, bibigyang-tuon ang mga makabuluhang bagay, at pahahalagahan ang kagandahan ng kalikasan.

Inaanyayahan din ng obispo ang lahat na sa paglalaan ng banal na oras para sa daigdig, ay isama rin ang pag-aalay ng panalangin para sa Diyos na Maylikha ng lahat.

“Dear friends, as the hour approaches, let us not think of it as an ending, but as a beginning—a spark that lights the way to greater reverence for creation and a deeper sense of our responsibility to it. Let this Earth be a beacon, not just for the sixty minutes it enfolds, but for the lives it inspires. May our participation be a pledge, a practice, and a prayer,” ayon kay Bishop Santos.

Prayer for Earth Hour

O Lord, whose hands formed the heavens and the earth,
we bow before You in humility and gratitude.

Forgive us for the ways
we have misused and neglected
the gifts of Your creation.

Teach us to tread lightly upon the earth,
to cherish its beauty,
and to care for it with diligence and love.

May this hour of stillness inspire in us
a deeper commitment to Your call to be faithful stewards.
Through Jesus Christ our Lord, Amen.

Isasagawa naman ng kapanalig na himpilan ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2025 Special” ngayong Sabado, March 22, 2025, mula 8:00-10:00 ng gabi, kung saan hinihikayat ang lahat na patayin ang ilang kagamitang de-kuryente mula 8:30-9:30 ng gabi at manalangin ng Santo Rosaryo.

Mapapakinggan ang programa sa DZRV846 AM at mapapanood sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH sa YouTube, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,438 total views

 83,438 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,213 total views

 91,213 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,393 total views

 99,393 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,925 total views

 114,925 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,868 total views

 118,868 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,654 total views

 2,654 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 4,066 total views

 4,066 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top