Inay Salud devotee, magtitipon para sa taunang fiesta tradicional

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total reads

Magtitipon ang mga deboto ng Nuestra Señora de la Salud o “Inay Salud” sa San Nicolas de Tolentino Parish sa March 6, 2026, ikatlong Biyernes ng Kuwaresma, para sa taunang Fiesta Tradicional.
Magsisimula ang gawain sa banal na misa sa alas-6 ng gabi na susundan ng maringal na prusisyon penitensyal sa pangunahing lansangan ng parokya.

Ayon kay Cofradía president Bro. Rex Jardinero, ang pagdiriwang ngayong taon ay hindi lamang pagbabalik sa matagal nang tradisyon kundi bahagi rin ng patuloy na espiritwal na paghahanda ng mga deboto sa nalalapit na ika-400 taon ng pagdating ng imahen sa Pilipinas sa taong 2034.
Batay sa mga tala ng kasaysayan, kilala ang naturang prusisyon bilang isa sa pinakamalaki at pinakamarangal na pagdiriwang noong panahon ng kolonyalismo.

Noong 1647, inilarawan ni Fray Andres del Espiritu Santo ang pagdiriwang na dinadaluhan ng libu-libong deboto at itinuturing na “pinakamainam na relihiyosong prusisyon sa buong kapuluan ng Pilipinas.”
Pinagtibay naman ito ng salaysay ni Fray Andres de San Nicolas noong 1664 na nagsasabing ang prusisyon tuwing ikatlong Biyernes ng Kuwaresma ay isinasagawa nang may natatanging karangyaan at debosyon.

Dumating sa bansa ang orihinal na imahen ng Birhen noong 1634 mula sa Mexico sa pangunguna ng mga misyonerong Order of Augustinian Recollects.

Naranasan ng debosyon ang matinding pagsubok nang masira ang dating dambana ng Birhen sa San Nicolas Church noong pagbomba sa Intramuros noong 1945.

Taong 2017 nang muling buhayin ang debosyon makalipas ang ilang dekadang pagtigil.
Noong 2021, muling binuhay ang makasaysayang samahan ng mga deboto sa ilalim ng orihinal nitong pangalan na Cofradía del Tránsito de Nuestra Señora.

Bukod sa pagdiriwang tuwing ikatlong Biyernes ng Kuwaresma, pinangungunahan din ng Cofradía ang pangunahing kapistahan ni Inay Salud tuwing November 17.

Noong kapistahan ng 2025, inilunsad ang “Journey to the Quadricentennial” bilang paghahanda sa ika-400 taon ng pagdating ng imahen sa Pilipinas.

Inihayag sa paglulunsad ang opisyal na tema ng paglalakbay: “With Inay Salud, We Journey On: 400 Years of Faith, Fidelity, and Fortitude.”

Pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang pagsapubliko ng tema at logo ng pagdiriwang kasama ang pamunuan ng Order of Augustinian Recollects.

Ang paglalakbay patungo sa quadricentennial ay magsisimula sa Year of Families (2025–2026) na nakatuon sa pagpapalalim ng debosyong Marian sa loob ng pamilya sa pamamagitan ng katekesis, family consecrations, at mga pagdalaw sa tahanan sa ilalim ng programang “Pagsibita ni Inay.”

Nakahanay rin ang mga susunod na temang pastoral hanggang 2034 kabilang ang Year of Vocations, Year of Youth, Year of the Laity, Year of the Eucharist, Year of Evangelization, Year of the Poor and the Sick, Year of the Parish and Pilgrims, at Year of Consecration to the Blessed Virgin Mary.

Ipinaliwanag ni Jardinero na layunin ng paghahanda hindi lamang gunitain ang apat na siglo ng debosyon kundi palawakin din ang mga gawaing paglilingkod tulad ng medical at dental missions at ang bagong programang pangkalusugang pangkaisipan na “Sa Kalinga ni Inay.”

Samantala, sinabi naman ni Fr. Robin Ross Plata, OAR, spiritual director ng Cofradía, na bukas ang paglalakbay na ito sa lahat ng mananampalataya.

Ayon sa pari, ang dekadang paghahanda patungo sa ika-400 anibersaryo ay isang sama-samang paglalakbay ng mga namimintuho sa Ina ng Kalusugan sa loob ng apat na siglo.

Inaanyayahan ng mga Augustinian Recollects at ng Cofradía ang mga deboto, pamilya at peregrino na makibahagi sa pagdiriwang at muling tuklasin ang patuloy na paggabay at pag-aaruga ni Inay Salud sa sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,012 total reads

 61,012 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,016 total reads

 140,016 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,461 total reads

 173,461 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,759 total reads

 208,759 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,823 total reads

 432,823 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top