Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Innocent kiss, hindi immoral

SHARE THE TRUTH

 224 total views

Nilinaw ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ‘immoral’ ang halik o paghalik.

Gayunman, iginiit ni ni Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs na maari itong maging isang pagkakataon para sa pagkakasala.

“Kissing per se is not immoral. But, it may be an occasion to sin. There is an innocent kiss and a kiss that’s part of one’s culture,” ayon kay Fr. Secillano.

Paliwanag ng pari, mayroong mga halik na inosente at halik bilang bahagi ng isang kultura.

Gayunman, sinabi ni Father Secillano na kung ang isang bagay ay humahantong sa pagpukaw sa kamunduhan ito ay maaring maging panganib sa kalinisang puri at pagpipigil na maaring humantong sa isang kasalanan.

“They are definitely not sinful. If is something, though, that leads to the arousal of one’s passion, then, we may consider it as a danger to chastity and continence,” paglilinaw ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Reaksyon ito ng Pari sa kontrobersyal na paghalik ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Overseas Filipina Worker sa South Korea sa kanyang 3-day visit na umani ng iba’t ibang pagtingin mula sa mga kritiko.

Sa moral na katuruan ng simbahan ang paghalik ay maituturing na kasalanan kung ito ay may kahalayan o may pagnanasa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 14,951 total views

 14,951 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 29,662 total views

 29,662 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 42,520 total views

 42,520 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 116,735 total views

 116,735 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 172,389 total views

 172,389 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

ConCon, ipinapanawagan ng isang mambabatas

 2,835 total views

 2,835 total views Nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at

Read More »

Sumbong sa Pangulo website, inilunsad

 5,269 total views

 5,269 total views Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Agosto 11 ang “Sumbong sa Pangulo” website—isang online platform kung saan maaaring makita ng publiko

Read More »

Mamamayan, binigo ng Senado

 20,397 total views

 20,397 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »
1234567