Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Interactive Station of the Cross sa Sta. Maria della Strada Parish

SHARE THE TRUTH

 2,524 total views

Ngayong araw, ika-16 ng Abril taong 2025, isinagawa ang pagbabasbas ng Interactive Station of the Cross sa Parokya ng Sta. Maria della Strada sa Katipunan Ave., sa Lungsod ng Quezon.

Ang Interactive Station of the Cross na ito ay pinangunahan ng Emmanuel Youth Movement ang youth mother ministry katuwang ang Parish Pastoral Council and Parish Staff ng Parokya. Ito ay naging kagawian at panata na ng mga kabataan sa parokyang ito.

Ang nasabing aktibidad na ito ay nasa pangatlong taon nang ginagawa. Sa kasalukuyang taon, nakatuon ang tema ng mga interactive stations sa pang sariling panlalarawan o pagninilayan, binibigyang pagpapahalaga ng ISC ang bawat hamon at pagsubok na nararanasan ng bawat tao sa kanilang buhay.

Ayon kay Pol John Bristain, Coordinator ng Emmanuel Youth Movement, isa sa mga layunin nito ay upang mas maramdaman ng bawat makikibahagi ang naging tagpo ni Hesus sa daan ng krus.

“Isa sa mga tradisyon na ginagawa ng bawat pamilya sa panahon ng kwaresma ay ang Stations of the Cross at ang ilan ay isinasabay ito sa kanilang mga Visita Iglesia. Dito sa Sta. Maria della Strada Parish, ma e experience nila ang kakaibang paraan ng pagdarasal ng stations of the cross, ginawa itong interactive para ang mga mananampalataya mismo ay makaranas ng ilan sa mga naging tagpo rito at tayo bilang mga Katolikong Pilipino ay pinapahalagahan ang experiential aspect sa ating pananampalataya. Binibigyan din natin ng active participation ang mga mananampalataya habang ginagawa ang ating interactive stations of the cross sa pamamagitan ng mga activities na inihanda ng Emmanuel Youth Movement dito. Sa loob ng tatlong taon iba’t ibang touch of realities ang ibinibigay ng aming interactive stations of the cross tulad ng mga current events, social issues at ang paghahanda sa darating na halalan.”

Ayon naman kay Aralyce Vienne Imbuido, ISC Activity Head, Ang interactive station of the cross na ito nakatuon sa personal na repleksyon. Gaya ng sa pangalawang istasyon, may punto rito na pagninilayan mo ang iyong buhay na gusto mong isuko sa Panginoon.

“May mga activities tayo tulad ng sa Station 2 na we are to evaluate ourselves kung ano ang willing natin i-surrender kay God tulad ng pag-surrender ni Jesus sa will ng Panginoon. After writing the aspects of our life that we are willing to surrender, ilalagay natin siya sa hole na nako correspond  sa area ng buhay natin halimbawa, willing ako ng i-surrender kay God ang talent ko, gusto ko siya ihulog as aspect ng soul ko kasi naniniwala ako na unique ability siya na binigay sakin ni Lord.”

Dagdag pa niya, “Isa rin na sa tingin ko ang pinaka challenging na activity ay nasa Station 9. Ito ang pagsusulat ng participants sa sand ng most grievious sin gamit ang daliri nila. Then gagamitin ang maliit na tingting para mapatag yung sinulatang sand. This simple act speaks a lot lalo’t inaamin natin sa sarili natin ang pinaka mabigat nating kasalanan sa pamamamgitan ng pagsusulat na si Lord lang ang kayang makabasa at Siya lang din ang kayang makapagpatawad.”

Upang mas maging makabuluhan ang pag ninilay ngayong Holy Week, inaanyayahan kayo ng Emmanuel Youth Movement ng Sta. Maria della Strada Parish na bumisita at makibahagi sa Interactive Station of the Cross na bukas ngayong araw, Abril 16, 2025 hanggang tanghali ng Biyernes, Abril 18, 2025.

Mga Kapanalig, halina’t pumunta sa Sta Maria della Strada Parish.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 888 total views

 888 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 21,616 total views

 21,616 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 29,931 total views

 29,931 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 48,642 total views

 48,642 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 64,793 total views

 64,793 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 87,753 total views

 87,753 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD

 116,847 total views

 116,847 total views PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD   My dear people of God in the Archdiocese,   We, in the NCR, are now placed under General

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

CBCP Circular Letter No. 20-20

 19,991 total views

 19,991 total views Circular No. 20-20 April 7, 2020 TO THE LOCAL ORDINARIES Your Excellencies,and Reverend Administrators: RE: SIMULTANEOUS RINGING OF THE PARISH CHURCH BELLS ON

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top