Ipagbunyi ang kalayaan sa pagpahayag ng saloobin, panawagan ng Obispo sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

June 11, 2020, 1:22PM

Hinimok ng obispo ng Military Ordinariate of the Philippines ang mga Filipino na ipagpatuloy ang mga magandang sinimulan ng mga ninuno sa pagkakamit ng kalayaan.

Sa mensahe ni Bishop Oscar Jaime Florencio sa ika – 122 Araw ng Kalayaan, binigyang diin nitong mahalagang pagyabungin ng mga Filipino ang tinatamong kasarinlan para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“As we thank the Lord and then people who made possible the freedom we deserve and enjoy, we need to think and do something coming from us who are enjoying the fruits of the labors of the forefathers. Let us not be contented with what we have now, just as our forefathers thought of us for that reason they did their best, we too must think of the future generations who will follow us,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Aniya, dapat pasasalamatan ang Diyos sa biyaya ng kalayaan na tinatamo ng mga Filipino at gunitain ang mga yumaong mga ninuno na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mga dayuhang mananakop.

Kakaiba ang pamamaraan ng paggunita sa Araw ng Kalayaan ngayong taon sapagkat karamihan sa mga inihandang programa ay isasagawa online dahil na rin sa patuloy na umiiral na community quarantine kung saan ipinagbabawal ang malakihang pagtitipon upang makaiwas sa banta ng corona virus.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “Kalayaan 2020: Tungo sa Bansang Malaya, Nagtutulungan, at Ligtas; isang pamamaraan din ng pagkilala at pagbibigay pugay sa mga Filipino at Filipino-American medical/non-medical frontliners na sumuong sa panganib upang paglingkuran ang kapwa.

Batay sa kasaysayan lumaya ang Pilipinas noong ika – 12 ng Hunyo 1898 makalipas ang apat na dekadang pananakop ng mga Espanyol.

Sinabi pa ni Bishop Florencio na dapat ipagbunyi ang malayang pamayanan na nakapaghahayag ng mga saloobin.

“It’s a greatness of our being to acknowledge people who have made things possible for us, enjoying our freedom and being able to express and manifest without being curtailed by anyone,” dagdag ni Bishop Florencio.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,161 total reads

 11,161 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,460 total reads

 12,460 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,263 total reads

 26,263 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,641 total reads

 63,641 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,911 total reads

 94,911 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,454 total reads

 170,454 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,413 total reads

 263,413 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,162 total reads

 11,162 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top