Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipanalangin ang kalakasan, kalusugan ni Pope Francis-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

 2,307 total views

Umapela ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino sa mamamayan na i-alay sa Kanyang Kabanalan Francisco ang mga panalangin at pagninilay ngayong Mahal na Araw.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos magandang pagkakataon ang paglalakbay sa Mahal na Araw na maglaan ng panahon para pananalangin gayundin ang pagdarasal para sa mabuting kalusugan ng santo papa.

“Sa ating pananalangin at pagmamalasakit i-alay din natin ito sa ating mahal na Santo Papa Francisco na may karamdaman. Hilingin natin sa Panginoon na sa ating pakikiisa sa pagpapakasakit ni Hesus ay guminhawa at gumaling sa karamdaman ang Santo Papa,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Una na ring namalagi ng tatlong araw sa pagamutan ang santo papa dahil sa bronchitis. Si Pope Francis ay una na ring sumailalim sa colon operation noong nakaraang taon at pananakit ng tuhod sa nakalipas na dalawang taon.

Tiniyak naman ng Vatican na hindi mababago ang mga nakatakdang gawain ni Pope Francis sa Paschal Triduum kung saan nauna na nitong pinangunahan ang Palm Sunday Mass sa Vatican noong April 2.

Naniniwala si Bishop Santos na sa sama-samang pananalangin ng mananampalataya ay makamit ng santo papa ang pagbuti ng kalagayan at maipagpatuloy ang misyong pagpapastol sa mahigit isang bilyong katoliko.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Premyo para sa mga kaalyado?

 5,688 total views

 5,688 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 18,546 total views

 18,546 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 92,847 total views

 92,847 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 148,572 total views

 148,572 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 109,491 total views

 109,491 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567