108,739 total views

Mga Kapanalig, para sa marami nating kababayan, ang Semana Santa ay panahon ng pagpapahinga at pagbabakasyon kasama ang pamilya o mga kaibigan. Kasama ba kayo sa kanila? Naisip n’yo bang pumasyal sa probinsya ng Bohol para mapuntahan ang pamosong Chocolate Hills? 

Siguradong nabalitaan ninyo ang kontrobersyal na resort na itinayo sa paanan ng mga burol na idineklara ng UNESCO bilang isa sa mga national geological monuments sa Pilipinas. Matatagpuan ang resort sa bayan ng Sagbayan. Ang resort na may malaking swimming pool at mga cottages ay nasa protected zone na itinalaga ng gobyerno noong 1997 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1037. Noong 2023, iniutos ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ang pansamantalang pagpapasara sa naturang resort dahil sa kawalan nito ng ECC o environmental compliance certificate. 

Pero nagpatuloy sa pag-operate ang resort. Katwiran ng may-ari, iniaapela pa kasi nila ang utos ng DENR. Nasa proseso rin daw sila ng pagkuha ng ECC. Ginamit pa nga itong venue ng swimming competition ng lokal na pamahalaan nitong nakaraang taon. Kung hindi pa lumabas at kumalat sa social media ang tungkol resort na ito, hindi malalaman ng taumbayan ang mistuang pagbabalahura sa kamangha-manghang mga burol ng Bohol.

Hindi na bago ang ganitong pagbabalewala sa halaga ng likas-yaman at kalikasan sa ngalan ng negosyo at kita. Maraming lugar sa ating bansa ang pinasok na ng komersyalismo. Pumunta tayo sa mga lugar na nasa tabing-dagat, makikita nating namumutiktik ang mga private resorts. Pumunta tayo sa mga isla, malalaman nating bantay-sarado ang ilan sa mga ito dahil binili na ng mga pribadong tao at negosyo. Pumunta tayo sa mga kabundukan, makikita natin ang mga hotel na nag-aalok ng magandang view. Pumunta tayo sa mga talon o falls, makikita natin ang mga kainan at tindahang tila wala sa tamang mga lugar.

Ginagamit na dahilan ng mga ganitong negosyo ang turismo dahil nagbibigay daw ito ng trabaho sa mga tao at nagpapasigla ng lokal na ekonomiya. Sa isang banda, totoo naman ito, lalo na kung wala naman ibang industriyang pumapasok sa isang lugar o kaya naman ay napababayaan na ang sektor ng agrikultura. Sa kabilang banda, sinasamantala naman ito ng mga negosyanteng nais lamang kumita kahit pa masira ang kalikasan. Ang masaklap pa, ang gobyernong dapat na nagbabantay sa mga ganitong negosyo ay nagiging instrumento pa ng iresponsableng turismo.

Sagana sa likas-yaman ang ating bansa at biyayang maituturing ang mga ito. Kaya dapat na pahalagahan natin ang mga ito at ipagtanggol mula sa mga interes na ang tanging layunin ay pagkakitaan ang pagkasira ng kalikasan at ng hindi matutumbasang halaga ng mga ito. Hindi masamang maglibang sa mga magagandang tanawin, ngunit huwag sana ito humahantong sa hindi na maitatamang mga pinsala. Dagdag pa ng Catholic social teaching na Laudato Si’, makaugnay ang pagkasira ng kalikasan o environmental degradation at ang human, ethical, and social degradation. Ang pinsala sa kalikasan ay kapinsalaan din sa ating mga tao, sa ating pagpapahalaga sa tama at mabuti, at sa ating ugnayan sa isa’t isa. 

Mga Kapanalig, kasakiman ang ugat ng pagsira sa mga lugar na nagbibigay sa atin ng buhay at karangalan, katulad ng kamangha-manghang Chocolate Hills ng Bohol. Nakalulungkot na mas nangibabaw ang pagnanais na kumita kaysa sa pagpapanatili ng ganda at halaga ng natatanging biyayang ito mula sa Diyos. Paalala nga sa Mangangaral 5:10, “Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang sakim sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang.” Sa huli, nasa ating mga ordinaryong mamamayan ang choice kung tatangkilikin natin ang mga negosyong walang pagpapahalaga sa kalikasan at sa halaga ng lugar na kanilang inangkin.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,362 total views

 2,362 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 40,172 total views

 40,172 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,386 total views

 82,386 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,921 total views

 97,921 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,045 total views

 111,045 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,449 total views

 14,449 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,364 total views

 2,364 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 40,174 total views

 40,174 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,388 total views

 82,388 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,923 total views

 97,923 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,048 total views

 111,047 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 123,420 total views

 123,420 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 107,584 total views

 107,584 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 126,689 total views

 126,689 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 133,343 total views

 133,343 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 130,694 total views

 130,694 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Scroll to Top