Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isaalang-alang ang kakayahan ng mga kandidato

SHARE THE TRUTH

 278 total views

Nananawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na matalinong pag-aralan ang kakayahan ng bawat kandidato sa posisyong ninanais gampanan ng mga ito.

Paliwanag ni PPCRV Chairperson Henrietta De Villa, nararapat na maging angkop ang taglay na kakayahan at karanasan ng mga kandidato sa posisyong kanilang ninanais sa pamahalaan upang tunay itong magampanan at hindi masayang ang panahon sa kanilang panunungkulan.

“Kasi hindi naman natin puwedeng iboto or piliin ang isang tao na walang kaalaman sa paggagawa ng batas o pagsusuri ng batas kung anong batas ang kailangang isulat kung wala siyang kakayahan dun, hindi siya pwedeng maging Kongresista o Senador, hindi ba? Kailangan ipapantay natin ‘yung kanyang kaalaman, ‘yung kanyang talino at ‘yung kanyang, ika nga, mga experiences du’n sa public service, public service para du’n sa pwestong hinahangad niya, kasi sayang naman po kung aaksayahin lang niya ang tatlong taon o anim na taon sa pag-aaral doon sa kung saan siya nahalalal. Sayang ang panahon niya, sayang ang panahon natin. Kawawa ang bayan at sayang ang ibinabayad sa kanya, kaya isipin natin itong maigi ‘yung kakayahan ng kandidato.” panawagan ni De Villa

Iginiit ni De Villa ba mahalagang taglay na ng mga mamumuno sa bansa ang kakayahan at kaalaman sa pamamahala at pagsasagawa ng mga naangkop na batas para sa bayan, sapagkat masasayang lamang ang panahon kung dito pa lamang sisimulang pag-aralan ng mga mambabatas ang mai-aatas na tungkulin.

Kaugnay nga nito batay sa Commission on Election Resolution No. 10002, mayroong 18,083 posisyon ang bukas para sa panunungkulan at pamumuno ng mga bagong lider na maihahalal ngayong darating na May 9 – National at Local Elections, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan.

Tagubilin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga botante na ang mga kandidatong tunay na may kakayahan ay kayang gampanan ang tungkulin sa pamumuno, maayos ang kalusugang pampisikal, may kakayahang pangkaisipan at matatag na damdaming kinakailangan upang magampanan ang mga tungkulin naka-atang kalakip ang katapatang maglingkod sa pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 29,246 total views

 29,246 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 43,306 total views

 43,306 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 61,877 total views

 61,877 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 86,520 total views

 86,520 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567