Itigil ang karahasan sa mga katutubo

SHARE THE TRUTH

 446 total views

Ito ang muling panawagan ni Fr. Fortunato Estillore, Indigenous Peoples Director ng Diocese of Tandag sa muling paglikas nang may 2,000 mga Lumad dahil sa pagkaipit ng mga ito sa kaguluhan sa Lianga Surigao Del Sur.

Ayon sa Pari, pangunahing naapektuhan ang mga Lumad nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na teroristang grupo ang New People’s Army.

“Tungkol po yan sa mga NPA, yun na kasi ang utos sa AFP ngayon. Ongoing yung operation sa bundok saka maraming encounters, kapag ganung pangyayari, talagang sila [mga Lumad] ang unang naaapektuhan, sila ang mga naiipit sa gulo,” bahagi ng pahayag ni Fr. Estillore sa Radyo Veritas.

Bukod dito, sinabi ng pari na hindi pa rin nawawala ang banta sa kaligtasan ng mga Lumad dahil sa pagmiminang nais isagawa sa kanilang ancestral lands.

Kaugnay dito, muli ding humihingi ng tulong si Fr. Estillore, para sa pangangailangan ng mga katutubong lumikas mula sa kabundukan.

Ilan sa mga pangunahing kailangan ng mga lumad na nag-bakwit ang bigas canned goods, noodles at iba pang pagkain, gayundin ang mga gamit para sa personal hygiene tulad ng mga sabon pampaligo at sabong panlaba.

Magugunitang noong 2016 ay nagkaroon din ng malawakang paglikas ang mga lumad mula sa kanilang tahanan dahil sa karahasang dinaranas nito mula sa mga paramilitary groups at ang Diocese of Tandag ang isa sa mga nanguna sa pagkupkop sa mga katutubong nangailangan ng makakain at matutuluyan.

Sa kasalukuyan nananatili ang mga lumikas na lumad sa Kilometer 9, Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 17,103 total views

 17,103 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 59,317 total views

 59,317 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 74,868 total views

 74,868 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 88,116 total views

 88,116 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 102,528 total views

 102,528 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 156,116 total views

 156,116 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 99,962 total views

 99,962 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top