Itigil na ang pagiging dependent sa coal at fossil fuels, hamon ng CEED sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 620 total reads

Napapanahon nang alisin ng Pilipinas at iba pang bansa sa mundo ang pagiging dependent sa coal at fossil fuels.

Ikinababahala ni Atty. Avril de Torres, head of Research, Policy and Law Program ng Center for Energy, Ecology and Development o CEED ang ulat ng Charity Christian Aid sa katatapos lamang na COP26 sa Glasgow Scotland na maraming mga bansa daranas ng kahirapan kapag hindi natugunan ang suliranin sa climate change.

Sa COP26 report ng Charity Christian Aid, nanganganib ang 65 mahihirap na bansa kabilang ang Pilipinas na mabawasan ng 20-porsiyento ang gross domestic product o GDP kung hindi mabawasan ng 64-percent ang pagiging dependent ng mga bansa sa coal at fossil fuels sa loob ng 30-taon.

Umaasa si de Torres na maging babala ang findings sa mga pinuno ng Pilipinas na ihinto ang mga plano na palawakin pa ang pagiging dependence ng bansa sa coal, gas at iba pang fossil fuels para sa tinatawag na economic development.

“Our own leaders in the Philippines should also look to the findings in this report as a glaring reminder that their plans to sustain and expand our dependence on coal, gas, and other fossil fuels, allegedly for the sake of economic development, is no development at all,” pahayag ng abagado sa Radio Veritas.

Pinangangambahan ni de Torres ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas kung saan maaring bumaba ng higit sa 18% ang GDP sa oras na hindi matugunan ang suliranin sa climate change,

“The report warns the Philippines of a -18.2% GDP change by 2050 under current climate policies, and offers even worse predictions for other nations. The numbers are horrifying, and yet they are merely an addition to an already vast pool of evidence that climate-vulnerable nations who contributed the least to global greenhouse gas emissions suffer the worst climate change impacts. We, in fact, do not even need to look to decades from now to understand that the climate crisis locks our people in continued poverty and places our very survival in peril – the super typhoons, droughts, floods, and other calamities that plague us yearly attest to this,” ayon pa sa abogado.

Nanawagan naman ang opisyal ng CEED sa mga mayayamang bansa na siya ring ‘TOP POLLUTING COUNTRIES’ na magkaroon ng pananagutan at inisyatibo upang iwaksi at baguhin ang mga maruruming pamamaraang patuloy na sumisira sa mundo.

Unang nanawagan ng pananalangin ang Kaniyang Kabanalang Francisco para sa ikatatagumpay ng mga isinagawang talakayan sa COP26 na dinaluhan ng mga world leaders at mga delegado upang talakayin ang mga suliranin at usaping pang-kalikasan na kinakaharap ng ibat-ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 13,715 total reads

 13,715 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 79,772 total reads

 79,772 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 99,078 total reads

 99,078 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 177,465 total reads

 177,465 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 221,277 total reads

 221,277 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top