Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

July 27, 2020, idineklarang “day of prayer and fasting”

SHARE THE TRUTH

 503 total views

July 26, 2020, 2:18AM

Idineklara ni Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon na Day of Prayer and Fasting sa buong diyosesis ang ika-27 ng Hulyo taong 2020 na araw ng ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa liham pastoral, inatasan ni Bishop Baylon ang lahat ng mga pari, relihiyoso, relihiyosa at mga mananampalataya sa buong diyosesis na i-alay ang lahat ng banal na misa sa ika-27 ng Hulyo para sa kapayapaan, pagkakasundo at paghihilom ng buong bansa.

Hinihikayat rin ni Bishop Baylon ang bawat parokya na magsagawa ng Holy Hour para sa parehong intensyon na magkaroon na ng ganap na kaayusan sa bansa.

“This coming Monday, July 27, 2020 our nation will once again listen to the State of the Nation Address (SONA) of President Rodrigo Roa Duterte. As Catholic citizens of this nation, let us continue to pray for our country and our government leaders. I am declaring July 27, 2020 to be a Day of Prayer and Frating in our diocese. I am enjoining all the priests to offer All Masses on that day for Peace, Reconciliation and Healing in our country. I also encourage the parishes to have a Holy Hour for the same intention.” liham pastoral ni Bishop

Hinimok rin ng Obispo ang mga mananampalataya sa diyosesis na ipanalangin ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaan lalo’t higit ang Pangulo na gabayan ng Banal ng Espiritu upang manatiling tapat sa tungkulin at magdesisyon para sa kabutihan ng buong bansa.

Iginiit rin ni Bishop Baylon na walang katotohanan ang naging akusasyon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pakikialam ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang impluwensyahan ang Korte Suprema kaugnay sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020.

Ipinaliwanag ng Obispo na walang anumang intensyon ang mga Obispo na manghimasok o impluwensyahan ang anumang sangay ng pamahalaan sa halip ay bahagi ng ‘moral duty’ ng mga lingkod ng Simbahang Katolika na magsalita at makialam sa mga usaping panlipunan upang magsilbing gabay ng taumbayan.

“This accusation is false. It is never in the intention of the leaders of the Catholic Church to put pressure on anyone or any branch of the government. We, bishops, together with the clergy, are simply exercising our moral duty to remind the highest court of the land to protect the citizens against anything in the newly signed law that might violate their human rights.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Batay sa tala, may 47 ang parokya sa Diocese of Legazpi na nagsisilbing bahay dalanginan ng higit sa 1.4 na milyong mananampalataya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 18,124 total views

 18,124 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 48,205 total views

 48,205 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 62,265 total views

 62,265 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 80,707 total views

 80,707 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567