VeritasPH

The Word, The Truth

Just energy transition

SHARE THE TRUTH

 53,521 total views

Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng singil sa kuryente. Kaya naman, muling  umigting ang mga panawagang lumipat na tayo sa renewable energy bilang pinagkukunan ng kuryente.

Ang renewable energy (o RE) ay malinis at sustainable na altenatibo sa enerhiyang mula sa fossil fuels katulad ng coal, oil, at natural gas. ‘Di hamak na mas kaunti ang ibinubuga nitong polusyon at greenhouse gases na nagpapatindi sa pag-init ng mundo. At sa lumalalang krisis sa klima, alam nating ang mga mahihirap ang pinakalantad at nagdurusa sa mga epekto nito. Kaya napakahalagang maisulong ang energy transition na hindi lang malinis at sustainable kundi makatarungan din.

Isa sa mga pinaplanong RE project ngayon ay ang 2,000 ektaryang floating solar power project sa Laguna de Bay. Ang nakalulungkot, posibleng maapektuhan nito ang kabuhayan ng libu-libong mangingisda. Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (o Pamalakaya), mahigit 800 na mangingisda sa bayan ng Bay sa Laguna ang nangangambang mawawalan sila ng kabuhayan dahil sa proyekto. Saad ng Pamalakaya, maaaring maapektuhan din ang mahigit 10,500 na mangingisda at manggagawa sa aquaculture sa Laguna. Haharangan daw kasi ng proyekto ang kanilang mga bangka, mawawalan sila ng access sa kanilang pangisdaan, at gigibain ang kanilang mga daungan. Ipinahayag ng grupo ang pagkadismaya sa kawalan ng konsultasyon sa mga apektadong komunidad at kawalan ng plano para sa maapektuhang kabuhayan.

Ang pinakamahihirap ang may pinakamaliit na kontribusyon sa greenhouse gases, ngunit sila ang pinakaapektado sa krisis sa klima. Patunay ito ng ‘di pagkakapantay-pantay sa mundo. Ang mga korporasyon ang kumikita sa pag-ubos ng mga likas na yaman sa mundo ngunit ang mahihirap ang nagdudusa sa masamang epekto nito. Kaya naman, higit na kailangan natin ng pagkilos na makatarungan at hindi tinatapakan ang karapatan at kabuhayan ng mga isinasantabi sa lipunan. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang mga mangingisda ang pinakamahirap na sektor sa bansa. Lalo silang maghihirap kung babalewalain natin ang kanilang boses at ang kanilang karapatang makilahok sa mga pag-uusap tungkol sa mga proyektong makakaapekto sa kanila. Sa isang makatarungan o just energy transition, dapat walang iniiwan, dapat walang isinasantabi.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, binibigyang-diin natin ang pagkiling sa mahihirap at pagtataguyod sa kabutihang panlahat. Sa pagharap natin sa krisis sa klima, mahalagang maisulong ang energy transition mula sa fossil fuels tungo sa renewable energy. Gayunpaman, sa paglipat na ito, mahalagang isaalang-alang ang kapakanan ng mahihirap at mga bulnerableng sektor. Sa isang mensahe noong 2019, sinabi ni Pope Francis na kung maisasagawa natin nang maayos ang energy transition, maaaring makalikha ng mga bagong kabuhayan, mabawasan ang ‘di pagkakapantay-pantay sa mundo, at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga taong apektado ng climate change.

Mga Kapanalig, sa pagsusulong natin ng renewable energy, mahalagang makatarungan ang isinasagawang transition. Dapat walang maiiwan sa pag-unlad. Kinakaharap natin ngayon ang krisis sa klima dahil sa pag-ubos ng mga likas na yaman sa ngalan ng kaunlaran na pangunahing nakikinabang lang naman ay iilan. Samantala, ang mga mahihirap ang pumapasan sa mga negatibong epekto nito. Humantong tayo sa kumukulong planetang ito dahil sa pagsasantabi sa kabutihang panlahat, lalo na ang kabutihan ng mga mahihirap. Huwag nating hayaan na sila rin ay maisasantabi sa energy transition. Gaya ng salita sa Galicia 6:2: “Magtulungan [tayo] sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 2,093 total views

 2,093 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 10,078 total views

 10,078 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 17,614 total views

 17,614 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 33,600 total views

 33,600 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 41,644 total views

 41,644 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 2,095 total views

 2,095 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 10,080 total views

 10,080 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 17,616 total views

 17,616 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 33,602 total views

 33,602 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 41,646 total views

 41,646 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,278 total views

 45,278 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,703 total views

 43,703 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,489 total views

 45,489 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,414 total views

 42,414 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,728 total views

 56,728 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,418 total views

 60,418 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,021 total views

 59,021 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,008 total views

 69,008 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,976 total views

 72,976 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,863 total views

 83,863 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top