Kababaihan, pangunahing apektado ng CHACHA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,206 total reads

Binigyang-pugay ng Alyansa Tigil Mina ang mga kababaihan sa mga katutubong pamayanang apektado ng pagmimina kasabay ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

Ayon sa grupo, ang mga kababaihan ang nangungunang lumalaban upang mapahinto ang mapaminsalang operasyon ng pagmimina lalo na sa mga katutubong lupain.

Sinabi ng ATM na ang mga babae ang itinuturing na pangunahing tagapangalaga ng pamilya na malaki ang tungkuling tiyaking ligtas ang kalusugan mula sa epekto ng pagmimina.

Bukod dito, ginagampanan din ng kababaihan ang pangangalaga sa mga lupa, pamamahala sa mapagkukunan ng tubig, at pagbabantay sa mga lupang sakahan at kagubatan.

“They suffer most from the impact of mining such as loss of biodiversity, razed forests, soil erosion, and various forms of pollutions,” pahayag ng grupo.

Inihayag naman ng ATM na higit na maaapektuhan ng panukalang pagbabago sa 1987 Philippine Constitution ang kababaihan dahil sa isinusulong na Charter Change na magpapahintulot para sa 100 porsyentong foreign ownership sa mga lupain at likas na yaman ng bansa.

Iginiit ng grupo na ang pagsasamantala sa economic provisions ng konstitusyon ay magdudulot ng negatibong epekto sa inaasam pang pag-unlad ng Pilipinas.

Panawagan ng ATM sa mga lider ng pamahalaan na pakinggan at pagtuunan ang panawagan ng mga kababaihan na ihinto na ang mapaminsalang pagmimina sa mga pamayanan, at sa halip ay gawing prayoridad ang pagpapabuti sa pagkain, lupa, tubig, at karapatan para sa ligtas at malusog na kapaligiran.

Gayundin ang pagtataguyod sa karapatan ng mga kababaihan kaysa pagtuunan ang pagsusulong sa charter change na walang malinaw na layunin para sa kapakanan ng mamamayan at bansa.

“We likewise extend our solidarity to all women, especially those who fight for gender equity and women empowerment. On this Women’s Day, let us celebrate the victories and advances borne out of women’s glorious struggles,” saad ng ATM.

Nakasaad sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco na karapatan ng bawat isa na maglabas ng saloobin hinggil sa mga nangyayaring hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, kung saan ang ila’y tinitingnan ang mga sarili na mas karapat-dapat kaysa ibang higit na dapat bigyang-halaga

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 72,378 total reads

 72,378 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,909 total reads

 150,909 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 184,357 total reads

 184,357 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 219,654 total reads

 219,654 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 443,249 total reads

 443,249 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,597 total reads

 157,597 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top