Kabataan, biyaya ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,108 total reads

Hinimok ni Laoag Bishop Renato Mayugba Jr. ang mga magulang at legal guardians na ipagpatuloy ang mabuting paghubog sa mga bata tungo sa kabutihan at maayos na paglaki.

Ito ang mensahe ng Obispo sa kauna-unahang World Children’s Day sa Archdiocesan Shrine of Nuestra Senora del Perpetuo Socorro (NSPS Shrine) na nasasakupan ng Archdiocese of Manila sa Pilipinas.

Inihayag ng Obispo na kadalasang napagsasawalang bahala ang pakikiisa ng mga bata sa buhay panananampalataya at pamayanan.

Hangarin ng Obispo na lalung mapayabong ang pakikiisa ng mga bata sa mga gawaing simbahan at pamayanan.

“Mahalaga ito, because the value of Children in the World is sometimes being lost and there’s so much need for a reappreciation of children in our families and in our society and in the whole; our whole world, sila ang kung minsan nakakalimutan kaya the Holy Father was very wise in bringing into focus once again the children, the joy of parents, the future of the world,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Mayugba.

Ipinaalala din ng Obispo ang mahalagang mensahe sa mga bata na sila ay biyaya ng Panginoon para sa kanilang magulang at higit na para sa simbahan.

Ipinaparating naman ni Father Antonio Navarete Jr., Rector at Parish Priest ng NSPS Shrine ang pasasalamat kay Ms.Jacqueline Marzan Tolentino na lead convenor ng Ignite Hope Philippines at World Children’s Day Filipinas dahil napili nila ni Bishop Mayugba ang dambana na pagdausan ng kauna-unahang world children’s day.

Umaasa ang pari na sa pamamagitan ng pagdiriwang ay lalung mapalaganap ang kamalayan ng mga magulang at legal guardians sa mga usaping kinakaharap ng mga kabataan.

“At itong simulain na ito ay magandang ipagpatuloy kasi tama nga naman, sa bible ang mga bata ay modelo ng kaligtasan, so tinatawagan natin yung mga handlers, mga magulang, mga guardians na take note itong event na ito ay baka makarating sa kung saanmang lugar sa susunod, mas maging- kumbaga nasa unahan ang pagbibigay halaga sa mga bata dahil maging si Hesus ay inuna ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Navarete.

Taong 2023 nang itakda ng kaniyang Kabanalang Francisco sa May 25 at 26 ang unang World Children’s Day na idinaos sa Roma.

Itinatag ito ng Santo Papa upang kilalanin ang mga bata, bigyan sila ng boses at maisulong ang mga adbokasiyang tutugon sa pagpapabuti ng kanilang buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 55,108 total reads

 55,108 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 100,914 total reads

 100,914 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 123,114 total reads

 123,114 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 159,608 total reads

 159,608 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 377,342 total reads

 377,342 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top