Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kabataan, buksan ang puso para sa simbahan

SHARE THE TRUTH

 398 total views

Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang kabataan na maging bahagi at bukas ang puso para sa simbahan.

Ayon kay Bishop Uy, dapat na maunawaan ng ang kanilang mahalagang gawain at gampanin sa simbahan at sa pamayanan na kanilang na kinabibilangan.

“Manginlabot gyud ta actively sa mga buluhaton and then ang ilang kasing-kasing ablihan para makasabot sila sa mga pahimangno sa atong Simbahan sa ilahang bililhon kaayo nga papel [Aktibong makiisa sa mga gawain at buksan ang puso para maunawaan ang habilin ng Simbahan sa mahalagang gagampanan ng kabataan],” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo na ang kabataan ay hindi lamang kinabukasan kundi ang kasalukuyan ng Simbahang Katolika kaya’t mahalagang mananatiling buhay at aktibo ang pakikibahagi sa Simbahan upang mapanatiling masigla ang pananampalatayang Katoliko.

Hinimok ni Bishop Uy ang kabataang Filipino na ugaliin ang pagbisita sa tahanan ng Diyos at higit sa lahat ang makibahagi at manguna sa mga gawaing nagpapaunlad sa espirituwal na buhay ng tao.

Sa ika-23 hanggang 28 ng Abril gaganapin ang pambansang pagtitipon ng mga kabataan sa lalawigan ng Cebu kung saan inaasahan ang mahigit sampung libong kabataan mula sa 86 na mga diyosesis at arkidiyosesis sa Pilipinas.

Ibinahagi ni Bishop Uy maraming delegado mula sa Diyosesis ng Tagbilaran ang dadalo sa National Youth Day 2019 na may temang ‘We Are Servants of the Lord’ kung saan hinikayat ng Obispo ang nasasakupang kabataan na ipakita ang pagiging aktibo ng mga kabataang Bol-anon sa pagsama-sama ng mga kabataan sa bansa at tiniyak ang buong suporta ng Pinuno ng Diyosesis.

“Your Bishop is always with you supporting and telling you to keep on following the Lord in your life daily,” ani ni Bishop Uy.

FILIPINO YOUTH IN MISSION: BELOVED, GIFTED, EMPOWERED!

Sinabi pa ni Bishop Uy na mahalagang malaman ng mga kabataan ang dakilang pag-ibig ng Diyos na ipinadama sa bawat tao lalo sa kabataan at kilalanin ang mga biyayang ipinagkaloob sa tao.

Ayon sa obispo kabilang sa biyayang ito ang talento na maaring gamitin ng kabataan sa pakikibahagi sa misyon ng Simbahan ang magpalaganap sa Mabuting Balita ng Panginoon.

Nasasaad sa sulat ni Jeremias kabanata 1 talata 7 kung saan sinabi ni Hesus ‘Huwag mong sabihing bata ka. Sinusugo kita kaya’t humayo ka. Ipahayag mo sa lahat ang aking iuutos sa iyo,’ na tatalima sa tema ng Year of the Youth na Filipino Youth in Mission: Beloved, Gifted Empowered.

Umaasa si Bishop Uy na hindi malilimutan ng mga kabataan na mayroon silang natatanging tungkulin sa Simbahang itinatag ni Kristo sa kabila ng iba’t ibang layaw na gumugumon sa lipunang ginagalawan ng sangkatauhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 4,852 total views

 4,852 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 17,594 total views

 17,594 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 37,518 total views

 37,518 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 43,467 total views

 43,467 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 51,558 total views

 51,558 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 8,387 total views

 8,387 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top