Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kabataang Filipino, hinamong maging inspirasyon ng pagbabago at kabutihan

SHARE THE TRUTH

 1,624 total views

Ang mga kabataan ay may pambihirang tungkulin para sa pagbabago at kabutihan ng lipunan.

Ito ang inihayag ni Sr. Ma. Lisa Ruedas, DC – Justice, Peace and Integrity of Creation Coordinator ng Daughters of Charity sa mahalagang gampanin ng mga kabataan para sa bayan.

Tinukoy ng Madre ang pambihirang katangian, enerhiya at pagiging mapamaraan ng mga kabataan.

Natitiyak ni Sister Ruedas na malaki ang maitutulong ng mga kabataan sa bayan sa pamamagitan ng pakikilahok at pakikiisa sa mga usaping panlipunan tulad ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay at dignidad ng bawat tao.

“Inspiring na makita natin ang kilos ng mga kabataan at gustong makiisa para bigyan ng kahalagahan ang buhay. Panawagan ko rin sa mga kabataan na sana makikilahok, makikisa at bibigyan nila ng napaka-significant ng role yung certain special quality. Talagang buong pugay na magpapakita na ang buhay ay very important and I believe that the youth has really a very special role towards the transformation of the society…” pahayag ni Sister Ruedas sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa paggunita ng Year of the Youth ay mariing tinatawagan ng Simbahang Katolika ang mga kabataan upang aktibong makibahagi sa mga usaping panlipunan, aktibong pakikisangkot sa mga gawing makapagpapabago sa kinabukasan ng bansa tulad ng pakikibahagi sa halalan.

Ang paggunita ng Year of the Youth o Taon ng mga Kabataan ng Simbahang Katolika sa bansa ay bahagi ng paghahanda para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.

Naunang umapela ng panalangin at suporta ang CBCP – Episcopal Commission on Youth para ipamalas ng mga kabataan Filipino ang kanilang angking kakayahan sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan at pag-unlad ng lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 6,191 total views

 6,191 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 80,492 total views

 80,492 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 136,249 total views

 136,249 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 97,233 total views

 97,233 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 98,343 total views

 98,343 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 3,068 total views

 3,068 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 40,798 total views

 40,798 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
1234567