Kabataang Filipino, magdarasal ng santo rosaryo sa pagwawakas ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 932 total reads

Mahalaga ang pananalangin lalo na sa kasalukuyang panahon kung saan humaharap ang buong daigdig sa krisis na dulot na Coronavirus Disease 2019 pandemic.

Ito ang mensahe ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa worldwide prayer event na “One Million Children Praying the Rosary Campaign” ng Pontifical Foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN).

Ayon sa Obispo na chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity, higit na mahalaga ang pananalangin sa pagharap ng bansa sa anumang banta ng panganib o kapahamakan.

Inihayag ni Bishop Pabillo na magandang maagang mamulat ang mga bata sa kahalagahan ng pagdarasal lalo na ng Santo Rosaryo sa paggabay ng mga magulang.

“Sa ating panahon ngayon ay talagang kailangan nating magdasal at yung mga bata mismo ay turuan na nating magdasal kaya maganda yung program yung campaign na yung One Million Children Praying the Rosary at sana po maging kasama ang mga anak ng mga magulang, ang mga apo ng mga lolo at lola, isama niyo po sila [sa pananalangin ng Santo Rosaryo] at wala pong masama na bata pa ang mga tao ay alam na nila na magdasal…”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Bagamat karaniwang inaaalay para sa kapayapaan, pagkakaisa at kapakanan ng mga Kristyanong dumaranas ng pag-uusig ang intensyon ng taunang One Million Children Praying the Rosary Campaign, ay inialay ito ngayong taon para sa tuluyan ng pagwawakas ng COVID-19 pandemic.

Tinagurian ang Worldwide Prayer Event ngayong taon na One Million Children Praying the Rosary to end COVID-19 na naglalayong magkaisa ang lahat sa pananalangin ng Santo Rosaryo at pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang matapos na ang pandemya.

Hango ang naturang Worldwide Prayer Event ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) sa mga pahayag ni Saint Padre Pio na “When one million children pray the rosary, the world will change” na layuning isulong ang pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Inilunsad ang pandaigdigang pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga kabataan sa Caracas, Venezuela taong 2005 kung saan umaabot na sa mahigit 80-bansa ang taunang nakikibahagi sa kampanya kabilang na ang Pilipinas matapos itong ilunsad sa bansa taong 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 58,764 total reads

 58,764 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 145,260 total reads

 145,260 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 188,297 total reads

 188,297 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 238,056 total reads

 238,056 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 396,449 total reads

 396,449 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top