Kahalagahan ng mga lumang simbahan, kinilala ng NHCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,265 total reads

Sa gitna ng pinsalang dulot ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu, binigyang-diin ni Regalado Jose Jr., Pangulo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP), ang kahalagahan ng mga lumang simbahan bilang mahalagang bahagi ng pambansang pamana at pagkakakilanlan ng mga Filipino.

Ayon kay Jose, ang mga makasaysayang istrukturang ito ay hindi lamang simbolo ng pananampalataya kundi patunay din ng husay at kaalaman ng mga Filipino sa larangan ng arkitektura at pagtatayo ng matitibay na gusali noong panahon ng kolonyalismo.

“Ang mga istrukturang nakikita natin ngayon ay bahagi ng pamana na nagmula pa sa colonial period. Ipinapakita nito ang kaalaman at galing ng mga Filipino sa pagtatayo ng simbahan at fortification,” pahayag ni Jose.

Kabilang sa mga naapektuhan ang Sts. Peter and Paul Parish Church sa Bantayan at ang Saint Rose of Lima Parish Church sa Daanbantayan.

Makikita sa simbahan sa Daanbantayan ang pinong pagtabas at maayos na pagkakalapat ng mga batong korales, at nakaukit pa sa harapan ng simbahan ang pangalan ng paring nagpatayo nito, si Fr. Feliciano Torres, isang Cebuano priest, noong 1886.

“Hindi lamang mga paring Kastila ang nagpatayo ng simbahan. May mga halimbawa rin na mismong mga paring Filipino ang nanguna, gaya ng sa Daanbantayan,” dagdag pa ng opisyal.

Binanggit din niya na ilan pang makasaysayang simbahan sa bansa—tulad ng Molo Church (St. Anne Parish Church) sa Iloilo, Tabaco Church (St. John the Baptist Parish Church) sa Albay, at Tayum Church (Santa Catalina de Alejandria Parish Church) sa Abra—ay kinikilala bilang mga National Cultural Treasures na itinayo rin sa pangunguna ng mga paring Filipino.

Dagdag ni Jose, mahalaga ang agarang pagbibigay tuon sa pagpapanatili at pagpapanauli ng mga nasirang simbahan upang mapanatili ang kanilang kasaysayan at maipasa ito sa susunod na henerasyon.

Inaasahand ding magtutungo si Jose sa Cebu, upang magsagawa ng assessment sa mga nasirang simbahan, at iba pang makasaysayang istraktura.

Ayon pa kay Jose na kasalukuyang nasa budget hearing sa Kamara, agad silang makikipag-ugnayan sa pamunuan ng Arkidiyosesis ng Cebu at pamahalaang panlalawigan para na rin sa mga kaukulang hakbang sa seguridad ng mga cultural property ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 125,558 total reads

 125,558 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 157,288 total reads

 157,288 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 259,115 total reads

 259,115 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 299,672 total reads

 299,672 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 314,962 total reads

 314,962 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top