Structural assessment sa lahat church facilities, ipinag-utos ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,339 total reads

Naglabas ng abiso ang Arkidiyosesis ng Cebu kasunod ng naranasang magnitude 6.9 earthquake sa lalawigan kagabi.

Sa pamamagitan ni Archdiocesan Chancellor, Msgr. Renato Beltran, Jr., ipinag-utos ni Archbishop Alberto Uy na isailalim muna sa structural assessment ang lahat ng simbahan at kumbento upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Partikular na pinaalalahanan ni Archbishop Uy ang mga parokya sa Hilagang bahagi ng Cebu na matinding naapektuhan ng lindol.

Pansamantalang ipinagbabawal ang paggamit ng mga simbahan para sa pagdiriwang ng Banal na Misa hangga’t hindi pa natitiyak ng mga dalubhasa ang kaligtasan ng mga gusali.

“To the parishes in the North [Cebu] that have been gravely affected, you are asked to refrain from using your churches for the celebration of the Holy Mass until the proper experts have carried out the assessment and declared the structures safe for use,” ayon sa abiso ng arkidiyosesis.

Kasabay nito, nanawagan ang arkidiyosesis sa lahat na patuloy na manalangin para sa kapanatagan at kalakasan ng loob sa gitna ng pagsubok.

“We entrust ourselves, our families, and our communities into His merciful hands. May the Lord shelter us under His wings, protect us from every harm, and guide us to safety and peace,” ayon sa arkidiyosesis,

Samantala, sa isang Facebook post, tiniyak ni Archbishop Uy na siya ay nasa ligtas na kalagayan at kasalukuyang nakikipagpulong kasama ang ilang kawani at pari ng arkidiyosesis upang magplano ng pagtulong sa mga biktima ng lindol.

“Friends, I’m okay. I may not reply right away as we’re working on how to help the earthquake victims. Thanks for your prayers,” ayon kay Archbishop Uy.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), niyanig ng magnitude 6.9 earthquake ang Bogo City, Cebu, alas-9:59 ng gabi nitong September 30, 2025, kung saan naramdaman ang pagyanig sa buong Cebu at mga karatig na lalawigan.

Sa monitoring ng PHIVOLCS, umabot na sa mahigit 200 ang naitalang aftershock kasunod ng malakas na pagyanig.

Iniulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 26 ang nasawi, habang 147 ang sugatan, at wala pang naitatalang nawawala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 90,097 total reads

 90,097 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 184,127 total reads

 184,127 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 228,395 total reads

 228,395 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 251,504 total reads

 251,504 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 322,564 total reads

 322,564 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,202 total reads

 147,202 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top