Kapistahan ng Patron Saint ng kabataan at computer programmers, ipinagdiriwang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,585 total reads

Matagumpay ang isinagawang Diocesan Celebration sa karangalan ni Blessed Carlo Acutis sa Diocese of Malolos.

Tampok sa pagdiriwang ang pagdalaw ng relic ni Beato Carlo sa iba’t ibang simbahan at tanggapan sa lalawigan na layong palawakin ang debosyon ng batang banal.

Nagsimula ang gawain noong October 5 sa St. James the Apostles sa Plaridel Bulacan kung saan pinangunahan ng kabataan ang pagdarasal ng Santo Rosaryo bago ang Banal na Eukaristiya.

Dinalaw din ng relikya ang St. Isidore the Farmer Parish sa Valenzuela City; National Shrine of the Divine Mercy sa Marilao; St. Augustine Parish sa Baliwag; Religious of the Divine Word Convent sa Malolos; Immaculate Conception Major Seminary sa Guiguinto; Malolos City Hall; Bulacan Provincial Capitol; at sa Minor Basilica and Cathedral of the Immaculate Conception.

Noong October 8 pinangunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo – Episcopal Promoter ng Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines ang Banal na Misa.

Sa kanyang homiliya ay hinikayat ni Bishop Villarojo ang mananampalataya na tularan ang pamumuhay ni Beato Carlo sa kabanalan na binibigyang pahalaga ang Panginoon sa kabila ng mga makamundong bagay.

“This is the genius of blessed carlo acutis na sa mura niyang pag iisip kanyang napagtanto na ganun pala ang buhay ng tao hindi yung sunod-sunuran tayo sa sa mundo … anupaman ang mga bagay na ibinigay sa atin ng mundo hindi ito ang pinaka-mahalaga, babalik at babalik tayo sa pinanggalingan natin ang Diyos na naglikha sa atin, nagbibigay ng buhay, nagbibigay ng biyaya sa araw-araw,” pahayag ni Bishop Villarojo.

October 12 ang kapistahan ni Beato Carlo na tinaguriang patron ng kabataan at Computer Programmers.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “Kuya Carlo: God’s Young yet Powerful Influencer of Today’s Generation” dahil sa pagiging mabuting halimbawa ng beato na ginamit ang makabagong teknolohiya upang maipalaganap ang kahalagahan ng Eukaristiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 80,709 total reads

 80,709 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,188 total reads

 115,188 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 150,488 total reads

 150,488 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 376,757 total reads

 376,757 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 265,826 total reads

 265,826 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top