Mapagtagumpayan ng mga kabataan ang nararanasang mental health problem, panalangin ng CBCP-ECY

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,026 total views

IIpinagdarasal ni Daet, Camarines Norte Bishop Rex Andrew Alarcon na mabanaagan ng mga kabataan ang pag-asa sa harap ng mga pinagdaraanan sa buhay.

Ginawa ni Bishop Alarcon ang dasal sa paggunita sa National Mental Health Week kung saan pinagtutuunan ang pagtugon sa pagdami ng mga kabataang nakakaranas ng mental health problem.

Batid ni Bishop Alarcon, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth na patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga kabataang nakakaranas ng mental health problem sanhi ng iba’t ibang nangyayari sa kapaligiran.

Ayon sa Obispo, higit na kailangan ng mga taong nakakaranas ng anxiety at depression ng makakausap at nakahandang makinig upang matulungang gumaan ang kalooban, at makabangon mula sa kadiliman.

“Sana tayo’y higit na maging ‘sensitive’ sa pangangailangan ng bawat isa. Sapagkat ang malasakit at pagbibigay-puwang sa kapwa ay nagbibigay ng pag-asa at liwanag,” pahayag ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.

Hiling din ni Bishop Alarcon para sa mga nalulumbay at nababalisa na higit na magtiwala sa kakayahan ng pananalangin bilang paraan ng pakikipag-usap at patuloy na paghingi ng gabay mula sa Panginoon.

“Sa mga nakararanas ng depression at anxiety, nawa matanggap nila ang biyaya ng higit na tiwala sa kabutihan at awa ng Diyos,” dagdag ni Bishop Alarcon.

Napag-alaman sa pagsusuri ng Philippine World Health Organization Special Initiative for Mental Health noong 2020 na 5.15 porsyento ng mga kabataang Pilipino ang apektado ng mental health problem.

Ayon sa pag-aaral na maliban sa nangyayaring krisis sa lipunan, kabilang sa mga pangunahing sanhi ng anxiety at depression sa mga kabataan ay ang epekto ng bullying o pang-aapi sa loob ng paaralan.

Sa huling ulat na isinapubliko ng Department of Education, naitala noong 2015 ang 21 porsyentong pagtaas sa mga kaso ng bullying sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 62,525 total views

 62,525 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 137,139 total views

 137,139 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 217,218 total views

 217,218 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 260,357 total views

 260,357 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 257,670 total views

 257,670 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top