Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itigil ang pagpatay sa mga mamamahayag

SHARE THE TRUTH

 1,211 total views

Mga Kapanalig, noong isang linggo ay pinaslang ang mamamahayag na si Percival Mabasa na mas kilala bilang Percy Lapid. Binaril siya habang nasa loob ng kanyang sasakayan, ilang kilometro lamang mula sa kanyang bahay sa Las Piñas. Si Percy Lapid ay tanyag sa matatapang niyang komentaryo laban sa war on drugs ng nakaraang administrasyon, at sa mga isyu ng katiwalian, kasinungalingan, at red-tagging ng kasalukuyang administrasyon. Batay sa CCTV footage, riding-in-tandem ang mga suspek. Dalawang bala ang direktang tumama sa bandang tainga ni Mabasa na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Kahit hindi pa nakukumpirma sa mga imbestigasyon kung may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang mamamahayag ang motibo ng pagpaslang, ipinagpapalagay na ng Philippine National Police (o PNP) na ito ang kaso. Ayon sa National Union of Journalists in the Philippines (o NUJP), si Mabasa ang ika-197 na mamamahayag na pinaslang sa bansa mula noong 1986 at ikalawa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Dagdag pa ng NUJP, hindi bababa sa 99 sa mga pinaslang na media workers ay mga mamamahayag sa radyo katulad ni Mabasa. Para kay Barnaby Lo, pangulo ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, bagamat lahat ng pagpatay sa mga mamamahayag ay kailangang kundenahin, higit na nakababahala ang pagpaslang kay Mabasa dahil karaniwang nangyayari ang pagpaslang sa mga probinsya. Ang pagpaslang kay Mabasa ay nangyari sa isang malaking siyudad, sa loob pa mismo ng isang gated subdivision

Labis na nagdadalamhati ang pamilya ni Mabasa, ang mga mamamahayag sa bansa, at ng mga naniniwala sa importansya ng pamamahayag at katotohanan sa isang demokratikong lipunan. Naniniwala ang pamilya ni Mabasa na ang pagpaslang sa kanya ay hindi lamang krimen laban sa kanya, sa kanilang pamilya, o sa kanyang propesyon, ngunit laban sa ating bayan at sa katotohanan. Para sa NUJP, ang nangyari kay Mabasa ay patunay na ang pamamahayag ay nanatiling isang delikadong propesyon sa bansa. Anila, ang krimeng nangyari sa Metro Manila ay senyales ng tapang ng mga nasa likod ng pagpatay at kabiguan ng mga awtoridad na protektahan ang mga mamamahayag at ordinaryong mamamayan mula sa karahasan.

Nanawagan naman si Alliance of Concerned Teachers Representative France Castro sa Kongreso at sa Commission on Human Rights (o CHR) na imbestigahan ang pagpaslang. Aniya, ang pagsasabi ng katotohanan sa Pilipinas ay kadalasang nauuwi sa red-tagging o ‘di kaya ay sa pagpaslang, isang indikasyon ng tumitinding impunity sa bansa. Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng CHR at PNP ang pagpaslang kay Mabasa.

Naniniwala ang Simbahang tamang impormasyon ang isa sa mga pangunahing instrumento ng taumbayan upang makilahok sa demoktratikong pamamahala. Kailangang batay sa malalim na pag-unawa sa pulitikal na kalagayan ng bansa at sa totoong impormasyon ang pakikilahok na ito ng taumbayan. Mahalaga ang papel ng media—kasama ang mga mamamahayag—sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat o common good. Bilang mga tagapaghatid ng impormasyon, ang mga mamamahayag ay kaagapay sa pagbubuo ng isang makatotohanan at makatarungang lipunan.

Sinasabi sa Juan 8:32, “ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Paano tayo ganap na magiging malaya sa gitna ng mga pagpatay sa mga tagapagtaguyod ng katotohanan sa ating bayan? Kailanman, hindi magiging tama ang pagpatay upang patahimikin ang mga kritiko. Ito ay malinaw na pagyurak sa dignidad ng tao at sa katotohanang ipinaglalaban nila. Hindi natin makakamit ang katotohanan, gayundin ang ganap na kalayaan, kung magpapatuloy ang pagdanak ng dugo ng mga mamamahayag.

Mga Kapanalig, samahan natin sa pananalangin ang pamilya ni Percy Lapid para sa katahimikan ng kanyang kaluluwa at nang makamit nila ang hustisya. Manawagan tayong mahinto na ang patayan sa bansa, lalo na ang mga pagpatay na ang target ay ang mga mamamahayag na ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Truth Vs Power

 39,343 total views

 39,343 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 48,678 total views

 48,678 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 60,788 total views

 60,788 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Plastik at eleksyon

 77,776 total views

 77,776 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 98,803 total views

 98,803 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 39,344 total views

 39,344 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 48,679 total views

 48,679 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 60,789 total views

 60,789 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 77,777 total views

 77,777 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 98,804 total views

 98,804 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 59,487 total views

 59,487 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat dahil sa ibinibigay na totoong “culture of service”. Mismong si International Labor Organization (ILO) assistant Director General Manuela Tomei ang pumuri sa sipag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 63,179 total views

 63,179 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero 2025… Umabot na sa 16.31-trilyong piso ang foreign at domestic debt (utang) ng Philippine government makaraang umutang ang pamahalaan ng Pilipinas ng 261.5-bilyong noong January 2025. Batay sa worldometer data

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 72,760 total views

 72,760 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong kapalpakang ginawa ang alinmang sangay ng gobyerno lalu sa mga kontrobersiyal na pagkakamali ng isang opisyal ng pamahalaan. Well, gaano kaya katotoo ang pahayag na ito na mula mismo kay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 74,422 total views

 74,422 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito ng Commission on Elections (o COMELEC) sa pagpapatutsadahan ng mga kampo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pag-endorso nila sa kani-kanilang manok sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 91,753 total views

 91,753 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang mining project sa probinsya ng Kalinga. Nasa 4.4 bilyong piso ang ipauutang, na gagamitin para sa feasiblity study, pagtatayo ng mga kalsada, at skills-based training sa mga katutubong residente ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 67,736 total views

 67,736 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United States Agency for International Development (o USAID). Hindi umano umaayon sa interes o values ng Amerika ang mga pinaglalaanan ng pondo ng ahensya.  Kabilang ang Pilipinas sa maraming bansang may

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 60,595 total views

 60,595 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga mambabatas, mga opisyal ng gobyerno sa pondong gagamitin sa operasyon ng pamahalaan at mga “baby” projects” ng mga ahensiya ng pamahalaan, mga kongresista at mga Senador. Sa kasalukuyan, mainit ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy Ang PUVMP

 61,629 total views

 61,629 total views Transport disaster… Kapanalig, ito ang kahihinatnan kapag tuluyang na-implement ang Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) na pinalitan ng Public Transport Modernization Program (PTMP) na inilunsad noong taong 2019. Kapanalig, ang PTMP ay dumaan sa maraming roadblock, dahil tinagurian itong “anti-poor” ng mga transport group.. sa implementasyon ng programa, 150,000 libong tsuper at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghuhugas-kamay

 77,168 total views

 77,168 total views Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo tungkol sa pagpapakasakit ni Hesus, maaalala ninyong nagpakuha ng tubig si Poncio Pilato, ang gobernador ng Roma, at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. “Wala akong pananagutan sa dugo ng taong ito,” wika niya. Wala na raw siyang magagawa sa kagustuhan ng mga taong patawan ng parusang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diwa ng EDSA

 85,093 total views

 85,093 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 76 milyong Pilipino ang bumubuo sa tinatawag na voting population o mga nasa tamang edad na para makaboto. Sa bilang na ito, kulang-kulang 70 milyon ang registered voters. Pinakamarami ang mula sa mga batang henerasyon gaya ng mga Millennials at Generation Z; 63% o anim sa bawat sampung

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top