Karahasan, kinundena ng Obispo ng Basilan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 612 total views

Iginiit ng Prelatura ng Isabela de Basilan na walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng karahasan.

Ikinalulungkot ni Bishop Leo Dalmao ang pagkakapaslang kay dating Lamitan City Mayor Rosita Furigay na aktibobg katuwang ng simbahan sa ‘peace building’ sa Basilan noong nanilbihang alkalde sa lugar.

Ayon sa obispo, dapat mangibabaw ang batas sa lipunan at makamtan ng mga biktima ang katarungan.

“We, at the Prelature of Isabela de basilan, find this violent attack disturbing and deplorable. Violence does not have a place in our Christian life and in society as a whole. We uphold the rule of law. We advocate the peaceful and just resolution of all forms of violence. We call for the swift and just resolution of this case,” bahagi ng pahayag ni Bishop Dalmao.

Sa nangyaring pamamaril sa Ateneo De Manila University noong ika – 24 ng Hulyo napaslang din ang executive assistant ni Furigay na si Victor George Capistrano, at Ateneo security officer Jeneven Bandiala habang nasugatan naman ang anak ng alkalde na si Hannah Rose Furigay.

Apela ni Bishop Dalmao sa mamamayan ng Basilan lalo na sa Lamitan na paigtingin ang pagkakaisa tungo sa isang mapayapang lipunan.

Dalangin ng obispo ang kapanatagan ng kalooban para sa pamilyang naulila, kaliwanagan ng isip para sa suspek na si Dr. Chao Tiao Yumol at ang lubusang paggaling ni Hannah Rose.

“I call for sobriety among the people of Lamitan and the rest of Basilan. Let not this incident put to waste the peace we have worked so long and hard for. Rather, let us use this incident to strive harder to live by God’s precepts,” ani Bishop Dalmao.

Ayon sa imbestigasyon ng Philippine National Police personal na hidwaan sa pagitan ni Yumol at Furigay ang dahilan sa pamamaslang makaraang sampahan ng kasong cyber-libel ng dating alkalde si Yumol bunsod ng mga alegasyong pagkakasangkot sa korapsyon at iligal na droga.
Kasalukuyang nakakulong si Yumol habang sinampahan ito ng kasong pagpatay.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Ateneo de Manila University sa pamilya ng mga nasawi, gayundin ang pagkondena sa naganap na karahasan.
Tiniyak din ng unibersidad ang higit pang paghihigpit ng seguridad sa paaralan kasunod ng insidente.

Nagpapasalamat din ang Ateneo sa mabilis na pagtugon ng pulisya at sa agarang pag-aresto sa suspek na si Dr. Chiao Tiao Yumul, gayundin ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon na isinasagawa ng mga otoridad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 13,355 total views

 13,355 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 43,578 total views

 43,578 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 70,229 total views

 70,229 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 165,202 total views

 165,202 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 185,644 total views

 185,644 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top