Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karahasan Laban sa Kababaihan

SHARE THE TRUTH

 2,697 total views

Kapanalig, tila mas kailangan natin ngayon ng mas mabilis at mas epektibong aksyon upang mapuksa ang karahasan laban sa kababaihan sa ating nasyonal at maging global na lipunan.

Makikita natin sa mga balita ngayon, lalo sa mga balitang internasyonal, na ang gender-based violence ay kalat at marami ang bikitma. Kahit pa mayaman, nabibikitma nito. Kahit bata o matanda, nasusukol nito.

Sa ating bansa, marami pa rin ang nabibiktima ng krimen na ito. Ayon sa National Demographic and Health Survey (NDHS) 2013, isa sa limang babae ay nakaranas na ng physical violence simula pa noong sila ay 15 years old. Anim sa 100 na Pilipina may edad 15 hanggang 49 ang nagsasabi na sila ay nakaranas na ng sexual violence. Ang masaklap pa rito, 4% ng na-survey ng NDHS na babae edad 15 to 49 ay nakaranas na ng physical violence kahit sila ay buntis.
Ang mas malungkot dito, kapanalig, tatlo lamang sa sampung babae ang humingi ng tulong upang matigil na ang pananakit sa kanila. Noong January to December 2016, 31,580 na kaso laban sa RA 9262 o The Anti-Violence Against Women and their Children Act. Kung mas marami siguro ang nagreport at humingi ng tulong, mas mataas pa ang bilang na ito.

Kapanalig, dapat walang puwang ang karahasan sa buhay nating lahat. Hindi tama na may nasasaktan sa ating tahanan. Ang babae, kaya’t mas nabibigyan ng atensyon ang pananakit sa kanila, ay mas “prone” sa karahasan dahil na rin magka-iba ang ang pangangatawan ng magkaibang kasarian.

Marami ang ating maaring magawa upang masugpo na ang krimen na ito. Ang Philippine Commision on Women (PCW) ay nagbigay ng mga payo at paraan: para sa kababaihan, payo nito “Empower yourself.” Dapat alamin ng kababaihan ang kanilang mga karapatan at mga maaring lunas kung nalapastangan ang kanilang karapatan. Kailangan din nila magsalita at magsumbong sa otoridad. Kailangan din tumulong at yakagin ang ibang babae na ipaglaban ang kanilang karapatan.

Minumungkahi rin ng PCW sa mga kalalakihan na respetuhin ang babae kahit saan pa sila naroroon. Palaguin din nila dapat ang kanilang kaalaman ukol sa karahasan laban sa kababaihan at mga pagkakataong maari silang makatulong upang masugpo ito. Tulungan din nila na magkaroon ng mas malalim na kaalaman ang iba pang mga kalalakihan ukol dito.

Ito ay mga panimulang aksyon pa lamang, at kulang na kulang pa ito upang tuluyang mawaksi ang karahasan laban sa kababaihan. Kapanalig, ang ating kapwa, kahit ano pa ang kasarian, ay ating kapatid. Bilang kapatid, sila ay dapat nating minamahal, hindi sinasaktan. Ayon nga sa Justicia in Mundo ng Panlipunang Turo ng Simbahan: ang pagsulong ng katarungan ay pagsasabuhay ng magandang balita, at nagpapalaya sa ating lahat mula sa kalupitan at karahasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 36,873 total views

 36,873 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 57,600 total views

 57,600 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 65,915 total views

 65,915 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 84,091 total views

 84,091 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 100,242 total views

 100,242 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 36,874 total views

 36,874 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 57,601 total views

 57,601 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 65,916 total views

 65,916 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 84,092 total views

 84,092 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 100,243 total views

 100,243 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 68,657 total views

 68,657 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 57,086 total views

 57,086 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 57,309 total views

 57,309 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 50,011 total views

 50,011 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 85,556 total views

 85,556 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 94,432 total views

 94,432 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 105,510 total views

 105,510 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 127,919 total views

 127,919 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 146,637 total views

 146,637 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top